Clarifications

59 2 0
                                    

October 25 2014 3:30 pm

France's

"Ate Krish i'm tired uwi na po tayo" sabi ni Krissy

"Ayan Ivan pagod na itong kapatid mo kaya umahon ka na diyan and let's go na dali" sabi ni Krish sa isang bata

Wala kami sa beach

Nandito kami sa man made waterfalls

Dinala ko sila dito kanina after lunch para naman malibang ang mga bata gaya ng sinabi ni Zar

Kamusta na kaya sila? Nahanap kaya nila ang sanctuary?

"Kuya France kuya France" kinakalabit ako ngayon ni Ivan

"Yes bakit?" Tanong ko sa bata

Basang basa ang mga suot niya dahil kanina pa sila nag tatampisaw dito. Ewan ko ba bakit ngayon lang sila napagod

"Pwede ba akong mag piggy back sayo? Masakit na kasi yung binti ko" sabi niya

"Okay lang sige sampa ka dito sa likod ko" sabi ko saka ako umupo sa tabi niya

"Pero kuya France mababasa ka po" sabi niya

"Okay lang dahil maliligo na din naman ako pag balik natin sa bahay. Don't worry tara na para makabalik tayo agad" sabi ko saka siya sumampa sa likod ko

"Ano Krish kaya pa?" Natatawang tanong ko kay Krishelle na buhat buhay si Krissy

"Why yes magaan lang naman si Krissy and malapit lang naman ang bahay so i can carry her naman havey na havey ang powers ko!" Sigaw niya

"May powers ka ate Krishelle?!" Manghang tanong ni Krissy

"Why yes my love Krissy."

"Ano po yun? Meron din po ba akong powers?!" Sabik na sabik na sabi nung bata

"I'm sure mag kakaroon ka din when you grow up"

"Ano po ang powers mo ate Krishelle?"

"Itong kagandahan ko ano pa ba?!" Proud na sabi niya

Napailing nalang kami ni Ivan at nag umpisa na akong mag lakad

"Kuya France feeling ko GGSMA si Ate Krishelle" bulong niya sakin

"Ha? Hindi ba GGSS yun Ivan? Gandang ganda sa sarili?"

Ano yung GGSMA? Mga bata talaga ngayon ang hirap maintindihan

"Eh di Gandang ganda sa maling akala" casual na sabi niya

"Pffft! Hahahahaha!" Hindi ko napigilan napatawa ako ni Ivan!

Ibang klase hindi ko inasahan yun mula sa isang 12 year old! Mas malakas pa ang humor niya saming grown ups combined!

"Hey boys bakit kayo tumatawa? Hindi ba kayo naniniwala sa powers ko?" Arte ni Krish na nakasunod saamin

"Kuya France wag niyo po ako isumbong ah" bulong niya

"Ah wala Krish may naalala lang si Ivan kaya natawa ako diba bunso?"

"Eh kuya France paano ako naging bunso eh mas bata sakin si Krissy?"

"Oo nga kuya diba dapat ako ang bunso?"

"I mean, bunsong lalaki diba Krish?"

"Duh France that's so lame. Anyway ikaw ang bunso namin dito Krissy kaya you need to be pretty and strong like ate Krish okay?"

Si Krishelle talaga kung ano ano ang sinasabi

Pero may sense at tama naman

Limang minuto lang kaming nag lakad at nakarating na kami sa likod ng green house

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon