The start of piece and the beginning of war

36 2 0
                                    

Ramirez's


Halos tatlong taon matapos ang huling rescue mission, pinipilit namin ang expansion ng isla dahil dumami na ang mga survivors dito. 


Sinubukan din naming gumawa pa ng mga agricultural fields sa dalawa pang isla malapit dito at sa awa naman ng diyos ay nabigyan kami ng masaganang ani at naibabahagi namin sa mga survivors ang mga panga-ngailangan nila


"Ramirez" Tawag sakin ni Colonel Sanders sa kanyang opisina


Galing sa lamesa ko ay tinungo ko ang kalapit na kwarto kung saan nandoon ang opisina ng Colonel at saka ako kumatok bago ko tuluyang buksan ang pinto


"Colonel Sanders sir" Bati ko sakanya kasabay ng isang saludo


"Maupo ka Ramirez" Batid niya at saka itinuro ang kaharap na upuan sa lamesa niya


Sinunod ko naman siya at naupo nga ako sa tapat niya. Mukhang seryoso si Colonel Sanders at mayroon siyang gustong sabihin na hindi niya mawari


"Wala pa din bang progress sa antivirus?" Tanong niya


"Sir wala pa po sir. Naka tago lang po ito sa safe keeping ng hospital. Wala po tayong kagamitan para pag-aralan ang antivurus sir pasensya na po" Pag amin ko.


Ayon sa doktor na sumuri ng antivirus, sa estado ng pasilidad ng ospital ngayon ay hindi namin maaaring galawin ang antivirus dahil hindi sapat ang mga kagamitan at teknolohiya para doon. Inamin din ng doktor na hindi siya bihasa sa larangang iyon at mas mabuting i-preserba nalang muna ang antivirus


"Mayroon akong dalawang bagay na nais ipag tapat saiyo Ramirez. Nakahanda ka ba sa magiging responsibilidad mo kung sakali?" Tanong niya


Naguluhan man ako sa ibig niyang sabihin ay sumagot ako


"Opo Colonel. Kung ano man po ang utos saakin" Sagot ko


Tumayo siya at kinuha ang isang puting folder sa locker niya. Binuksan niya iyon at ipinakita saakin ang ilang imahe na ikinagulat ko


"Mga kalansay sir?" Nag tatakang tanong ko sakanya


"Mga kalansay na nag kalat sa siyudad. Nagsiubos na ang mga nabubulok na katawan ng mga zombies Ramirez. Nawawala na silang lahat gaya ng lahat ng mga namamatay"


Ibig sabihin... wala na ang mga zombies? Babalik na sa normal ang lahat?


"Colonel tama ho ba ang inaakala kong nais niyong ipabatid? Na wala na ang mga zombies?" Paninigurado ko


"Kuha iyan ng reconnaissance troupe na ipinadala ko noong isang linggo sa siyudad. Ayon sa kanila, wala na silang nakikitang zombies sa paligid liban sa mga kalansay ng mga ito. Wala ng zombies Ramirez" Nakangiting pag babalita niya saakin

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon