The worthy sacrifice

33 1 0
                                    

3 days ago
November 01 2014 12:30 am

Eleazar's

"Sandali lang po san ho ba tayo pupunta?"
Nakasunod lang ako dito sa lalaking biglang humila saakin

Nakasuot kami sa maliit na tunnel dito mismo sa sewer. Andami na naming dinaanang pasikot-sikot pero ang sabi niya kailangan naming makalayo sa pwesto ng halimaw and i agree naman

"Dito hijo ligtas tayo dito bilisan mo" sabi niya at saka siya lumabas dun sa dulo

Sumunod lang ako sakanya pero halos wala akong makita, silhouette lang niya at mga dark outlines ng sewer ang nakikita ko

"Nasaan po ba tayo?" Tanong ko pagkalabas ko ng tunnel

"Dalawang kilometro mula doon sa pwesto ng halimaw. Mainit ang paligid niya kaya hindi niya tayo masusundan basta makalayo lang tayo sakanya"

"Madami po yata kayong alam tungkol sa lugar na ito? Kung hindi niyo po mamasamain, sino ho ba kayo?"

"Nako pasensya na hindi na ako nakapag pakilala. Ang pangalan ko ay Francisco, isa ako sa mga engineer na tumulong sa pag buo ng sewer ng syudad."

"Ako nga po pala si Eleazar, Eleazar Vin Barameda po. Kasama po ako sa mga nag rescue kanina"

"Narinig ko agad ang mga pag sabog. Mabuti nalang inabutan kita doon at nailigtas ka sa halimaw. Hindi mo ba naisip na sumuot sa tunnel upang mag tago?"

Hindi kapansin pansin ang tunnel, masyadong madilim. Saka nakatuon doon sa ginagawa ko ang buong atensyon ko kaya hindi ko na din napansin ang paligid ko

"Hindi na po. Madilim po kasi"

"Ngayon kailangan lang nating makalabas dito"

"Gaano na po kayo katagal dito?" Mukha kasing kailangan niya ng maligo

"Mag iisang linggo na din ako dito. Nakakarinig ako ng mga ingay mula sa ibang parte ng sewer kaya ako nag tago dito sa tunnel baka mga zombie ang mga iyon"

"Yung mga survivors po siguro ang naririnig niyo. P-Papaano po kayo napunta dito? Bakit hindi po kayo nakasama sa mga rescue?"

"Kagagaling ko lang sa Italya, hinahanap ko ang aking kaisa isang anak dahil pumanaw na din ang misis ko. Napag tanto ko na masyado kaming nalulong sa trabaho at nakalimutan na naming alagaan ang aming anak kaya ako bumalik ng pilipinas para ayusin ang relasyon naming mag ama"

"Kung ganoon, hindi niyo po siya nakita?"

"Tama ka. May koneksyon ako sa isang sundalo at alam ko kung nasaan ang sanctuary na ginawa ilang buwan bago maganap ang epidemya. Mali, isa itong pandemya, nangyayari ang kaguluhang ito sa buong mundo"

"Ano po ang nangyari? Kung may koneksyon kayo bakit kayo naiwan dito?"

"Hindi ko na inabutan sa bahay ang anak ko. Nakaalis na din ang huling batch ng rescue truck kaya sinubukan kong pumunta sa port hanggang sa makita ko ang isang napakalaking halimaw kaya ako nag tago dito sa ilalim"

"Mabuti naman po ay nakaligtas kayo"

"Nag tataka nga ako. Nakikita niya ako, nararamdaman kong nakatingin ang halimaw saakin kahit madilim ang paligid, sinubukan niya akong patayin pero naka baba ako dito"

"Ang alam po namin ay nakaka detect siya ng init sa paligid kaya niya nakikita ang mga tao."

"Kaya ba nag pasabog ka ng mga granada hanggang sa mag apoy ang paligid para lituhin ang halimaw?"

"Tama po kayo. Akala ko nga po mamamatay na ako dun pero salamat po sainyo"

"Matapang ka hijo. Matagal ko na ding gustong lumabas dito at kung may pag kakataon man tayo, ito na iyon"

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon