His song and his heart

34 2 0
                                    

January 16 2015 9:30 am

Eleazar's

"Vin!" Sigaw ni Vince bago siya tumalon at yumakap sakin

Sa bigat niya tumumba kami pareho sa lapag. Shete iba talaga maka miss itong pinsan ko!

"Hayop ka Vin! Siraulo ka ang kapal ng mukha mo para subukang mag pakamatay adik ka!!!"

Singhal niya sakin habang nag papagulong gulong na kami

"Woah Vincent natutuwa ka bang nakabalik ako? Sinusumpa mo na agad ako ah? Haha"

"Dapat lang sayo yun hanep ka! Sinayang mo yung mga luha ko akala ko na dedo ka na!"

Sagot niya ng hindi padin kumakalas kaya nag pagulong gulong na talaga kami

"Teka teka Vincent puro sugat ako oh di mo ba nakikita? Teka mag papagamot muna ako!"

Kumalas na din siya sa wakas at tinulungan akong makatayo

"Hi Rave kamusta?"

"Ayos naman, nakailang gabi din ng puyat sa pag luluksa dahil sayo, isa pa inalagaan ko yang pinsan mo kakaiyak akala ko susunod na eh"

"Pasensya na kayo ha mukhang nag alala talaga kayo"
Sagot ko at nag lakad na kami papunta sa hospital

"Ayos lang yun Vin Vin ang importante buhay ka at ligtas! Isa pa nakabalik ka na! I'm sure matutuwa ang parents mo lalo na yung asawa mo."

Na miss ko sila grabe.
Lalo na sya

"Si France nga pala. Kamusta naman siya?"

"Ayun, araw araw umiiyak gabi gabi umiiyak. Pero ok na siya ngayon, lumalabas na ng bahay at nag vo-volunteer na din sa hospital"

Na guilty tuloy ako bigla. Bakit ba kasi ginawa ko yun?

"Mabuti naman. Nandiyan ba siya sa hospital ngayon?"

Nasa tapat na kasi kami baka mag kagulatan pa kami dito

"Wala, nandun pa sa bahay kagigising lang mamaya pa pupunta dito iyon"

"Ganun ba? Kayo san kayo pupunta?"

"Sa tower sana pero mabuting puntahan ko muna ang parents mo para ipaalam sakanila na nandito ka na. Sa ngayon pumunta ka muna sa opisina ni Doc at mag patingin ka baka bacterial infection na iyan" sabay turo niya sa mga sugat ko

"Grabe ka malinis naman ako sa katawan hindi lang ito nagamot! Sige na sige na papasok na ako"

"Sige Vin-Vin kita tayo mamaya at dinner time, may volunteer work pa kasi kami"

"Sige lang mag iingat kayo"
Pag papaalam ko sakanila bago sila makaalis

Pumasok nga ako sa hospital at dumiretsyo ako sa nurse's station kung saan si Ms. Patricia lang ang bantay

"Goodmorning nurse Patricia busy po ba si Doc?"

"Nako wala namang pasyente si Doc, halika sasamahan kita mukhang madami kang galos"

Sabi niya bago siya nag lakad

Sinundan ko lang siya at huminto kami sa opisina ng Doctor

Pumasok doon si Ms Patricia at sumunod lang ako

"Doc? Patient po, multiple wounds and fever from infection"

"Thank you Patricia, paki hanap mo nga si Harold, yung mga supplies kasi ay nasa stock room pa"

"Yes po Doc. Eleazar right? Diyan ka lang ha?"

"Thank you po" sagot ko bago siya makalabas

"Sige hijo maupo ka dito at ng matingnan ko ang mga galos mo"

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon