A wedding in the apocalypse

42 0 0
                                    

October 27 2014 5:30 pm

France's
"Ah Vincent, ganito ba ang nararamdaman niyo araw araw kapag wala kayong nakikita matapos mag hanap ng buong araw?"

"Bakit ano ba ang nararamdaman mo?" Tanong niya sakin habang sinusuot ang damit niya

"Nakakapagod tapos wala naman kayong napala, gaya ngayon" kasi buong araw silang nag lalayag

Mag hahanap sila sa isang empty island tapos wala lang pero patuloy padin sila sa pag hahanap

"Napapagod oo, pero masaya kasi alam namin pag uwi nandun kayo. Parang yung feeling nung bata ka pa na pagkatapos mo mag laro mag hapon ay uuwi ka sa bahay dahil nag hihintay ang family mo? Kahit ilang araw pa yan dahil alam namin na uuwi kami sainyo hindi na din namin iniintindi yung pagod" sagot niya

"Salamat pala sayo Vincent ha. Kasi kahit ganoon nga patuloy padin kayo sa pag hahanap ni Zar tapos kami nasa bahay lang" na gui-guilty kasi ako

"Wag mong isipin yun France, lahat tayo ay may kanya kanyang sacrifice pero very rewarding naman. Tingnan mo kahapon nakita ko si Benson tapos..."

"Tapos ayun masaya kami haha oo yun nga"paliwanag niya

"Mahal mo siya noh?" Tanong ko sakanya

"Sobra" pag sang ayon niya

"Kailan mo na realize na mahal mo na siya?"

"Nung araw din na tutulan kami ni papa. Ayoko siyang pakawalan pero mahal ko din si papa kaya isinakripisyo ko yung relasyon namin. At dun ko napatunayan na parang may kulang sakin kung wala si Benson" nakatingin siya sa isla na tinutuluyan namin habang sinasabi niya iyan

Kitang kita ang kislap ng mga mata niya sa saya

"Ikaw France, kailan mo nalamang mahal mo na si Vin?" Balik na tanong niya

"The morning after niya akong pigilan tumalon sa rooftop" sabi ko sakanya

"Sinubukan mong magpakamatay?" Gulat na tanong niya

"Yeah. Akala kasi namin nakagat ako ng zombie. Hindi pa kasi namin alam noon ang 15 minute rule kaya akala ko anytime pwede akong mag turn. Sakto umalis nung gabing iyon si Zar para maghanap ng supplies, si Krish naman ay nag iinit ng pagkain sa kusina kaya nakatakas ako"

"Pano ka nahanap ni Vin kung ganun nga?"

"Hindi siya nakalayo. Masyado kasing madilim. Sabi niya deikado dahil hindi niya makikita ang loob ng mga bahay kung may zombies ba kaya bumalik siya at nakita niya nga akong tumatakas. Hindi niya na ako tinawag dahil may zombies sa paligid namin kaya sinundan niya ako hanggang rooftop ng isang public market"

"Ang tapang niyo ah. Kaya pala kampante lang kayo pag nag lalakad kahit may zombies sa daan hindi kayo nag papanic. Ako siguro baka mag sisisigaw ako hahaha" biro niya

"Akala ko talaga kasi magiging zombie na ako kaya desidido talaga akong gawin. And ayun, nung tatalon na ako ay niyakap ako ni Zar. Pinigilan ko siya at sinabi kong pabayaan niya na ako pero ang sabi niya hindi niya kayang mamamatay ako mismo sa harap niya. Pinaliwanag niya na hindi pala kagat ng zombie ang sugat ko kung hindi ay isang sak-sak mula sa bumagsak saakin sa market bago ako dambahin nung zombie" paliwanag ko

"Ganun pala. Tapos ano namgyari?"

"Hinalikan ko siya sa tuwa"

"H-Hinalikan mo si Vin?"

"Oo. Pati ako nabigla sa ginawa ko. Umuwi na kami at pagkagising ko nung umaga wala nanaman siya. Lubos akong nag alala akala ko umalis na siya dahil sa ginawa ko. Narealize ko, hindi ko matatanggap kung mapapahamak si Eleazar ng dahil samin, at dahil na din, mahal ko na siya" pag amin ko

Living the Apocalypse (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon