Chapter 22: Just a bargain woman

1.4K 29 2
                                    


Maaga palang ay naglilinis na ako sa mansyon ni Darius, wala namang gaanong alikabok dahil araw araw ang paglilinis dito.

Sobrang kalat ng kwarto ni Darius ang daming nagkalat na papel sa lapag pinulot ko iyon at inilagay muli sa mesa. Baka kasi nahulog lang at baka hindi naman iyon basura.
Pinulot ko din ang box na nahulog at tinapon iyon sa basurahan at nagsimula ng walisin at linisan ang kanyang kwarto.

Kahapon, okay naman kami. Parang kahapon nga lang ang pinaka maayos naming pag-uusap. Akala ko magagalit sya noong bigla akong pumasok sa kwarto nya ng hindi kumakatok pero nung gabi ring iyon ay tinanong nya ako kung alam ko raw bang gamitin ang cellphone tumango ako dahil tinuruan naman ako ng kasama kong maid dito sa mga ilang apps na hindi ko alam.
Pagkatapos non ay hindi na nya ako kinausap pa. Atleast diba alam ko na okay kami. Okay naman ang ganito kahit hindi na kami mag-usap masyado basta ang importante ay hindi nya ako pinag sasabihan ng masama. Kagabi naman ay pinagtimpla ko pa sya ng kape so alam ko talaga na ayos kami kaya kahit papaano ay medyo magaan din iyon sa pakiramdam.

"Vanna!" Sigaw ni nanay Susan mula sa ibaba

"Po?" Nasa labas si Darius, antabayanan mo at baka may iutos

Sumunod ako gaya ng sinabi nya. Sa oras na maglapat ang tinggin saakin ni Darius ay nakaramdam ako ng sigla hindi ko alam kung bakit pero parang may humaplos saking puso ng makita sya. Pagod ang itsura nitong lumapit saakin.

"Prepare my clothes" bulong nito ng makalapit ito saakin.

Tumango ako at mabilis na tumalikod para sundin sya. Lihim akong napangiti dahil minsan ko iyong inimagine na mangyari ngunit iba nga lang ang sitwasyon ngayon dahil sa aking pangarap ay ako ang kanyang asawa na nag-aantay sa kanyang pag-uwi ngunit alam ko na hindi naman iyon mangyayari lalo pa na sa tuwing nakikita ko ang laki ng kanyang bahay ay naiisip ko na higit ang layo ng estado ng buhay nya kumpara saakin.

Assumera na nga siguro ako pero masisisi ba nya ako kung hanggang ngayon ay sya parin ang gusto ng puso ko kahit na pilit humihiyaw ang utak ko at sinasabi na itigil na ang kahibangan ko.

Ang martyr ko nga siguro dahil sa kabila ng nangyaring pang-iinsulto, pagdala ng babae sa bahay nya ay gusto ko parin sya.

Matapos maihanda ang kanyang damit ay ang eksaktong pagpasok nya sa kwarto. Yumuko ako at naglakad na palabas nang tawagin nya ako. Mabilis akong napalinggon sakanya.
I heard him sighed, he looks so tired yet calm.

"I'll eat here. Bring my food here"he said and look away afterwards.

Tumango ako at ngumiti kahit alam kong hindi na nya iyon nakita pa. Sinunod ko ang sinabi nya inihanda ko ang pagkain nya. Napapilig ako ng maisip na kung sakali bang lagyan ko ito ng lason ay makukulong ako?

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa pasilyo pagkarating ko sa kwarto nya ay narinig ko ang lagaslas ng shower sa banyo siguro'y naliligo ito.

Iniayos ko ang kobyertos sa mesa nito, itinabi ang mga papel na naroon. Hindi ko alam kung bakit inantay ko pa syang lumabas bago umalis.

Mabilis naman akong napatalikod nang makita na tanging puting tuwalya lamang ang nakabalot sa beywang at hita nito.

"M-May i-uutos pa po ba kayo?" Kinakabahan kong tanong.

Narinig ko ang maikling tawa nito na para bang pinipigilan iyon. I also heard him clear his throat before he speak "Vanna" he said in a husky voice.

Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko saaking batok. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at ako'y kinakabahan na baka marinig nya iyon.

"Hmnn" I answered and immediately shook my head. Bakit ganon ang sagot ko na para bang there's something between us.

"P-Po" pagbabago ko sa sagot.

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon