Chapter 1: Lips

3.2K 43 3
                                    

TBW1: LIPS

TIRIK NA TIRIK ang araw ay nasa labas ako at saka sumisigaw para sa mga pasahero. Ang amoy nang usok sa kalye ay para bang naging parte na nang buhay ko.

"Oh sige larga na!" Sigaw ko sa driver at saka kinatok nang tatlong beses ang jeep nito para sabihing pwede nang umalis.

And there! Nakakuha na kaagad ako nang sampung piso.

"Samalamig?" Inabot saakin ni Kenjie ang isang supot nang buko juice.

"Salamat." Sabi ko at saka naglakad na paalis sa paradahan ng jeep.

Ex-boyfriend ko si Kenjie at magkaibigan na lang kami ngayon. Maganda ang pagtatapos ng relasyon naming dalawa para sa ikabubuti namin pareho.

"Nagtitiis ka nanaman dito. Ayaw mo pa kasing mag-apply sa tinatrabahuhan ko para naman di ka naiinitan dito." Aniya

"Naku. Ayoko. Hindi sanay ang balat ko sa aircon. At isa pa, high school lang ang natapos ko hindi gaya mo na college grad." Sabi ko sakanya.

"Madali lang pumasok roon. Tito ko ang may-ari ng factory na yon. Malakas ang kapit ko don e." Aniya at saka tumawa

"May backer ka kase" pangungutya ko sakanya.

"Kumusta naman ba ikaw roon?" Tanong ko sakanya.

May kalayuan ang tinatrabahuhan nya dito sa kanilang bahay. Aniya ay lilipat na nga daw sila ng bahay sa susunod na linggo dahil nakabili ng lote ang magulang nya.

"Okay lang. Paghahanda ko na rin iyon dahil balak na daw ipasa saakin ni Papa ang maliit na business nya dito sa Manila." Aniya

"Mabuti kung ganoon. Wag mo lang akong kakalimutan pag yumaman ka na ha." Ani ko at tumawa

"Pakasal ka na sakin kung gusto mo."

Tumawa ako sa sinabi nya. "Hindi ka naman sakin bagay" sagot ko

"At sino naman ang bagay saakin? Si Kaye Ann?" Tanong nya.

"Oo. Mayaman iyon at maganda ang kutis." Tugon ko.

"Mas maganda ka naman don. Kahit nga bilad sa araw ang balat mo ay kutis porcelana ka pa din. Maganda talaga ang lahi ng ama mo ano?" Aniya

Hindi kasi ako pure Filipina, nabuntis si nanay noong nag abroad ito. At isang British ang nakabuntis kay nanay. Natakot si nanay na baka malaman ng tatay ko na nabuntis sya dahil mayroon palang nobya ang aking tatay. Natakot si nanay na baka ipademanda sya ng babae dahil mayaman daw ang nobya ni tatay kaya umuwi sya dito sa Pilipinas at binuhay ako.
Maganda ang buhay namin noong bata pa ako. Bago mamayapa ang aking lola at lolo ay doon kami nakatira. Hanggang sa namatay sina lola inatake sa puso at kinalaunan ay namatay din si lolo. Naiwan ang maliit na business ni lolo kay nanay. Lumago iyon at naging maganda ang pamumuhay namin noon ni nanay. Kaming dalawa lang pero masaya. Pangarap pa nga ni nanay na mag doctor ako pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Domeng, ang step Dad ko. Nabaon sa utang si tatay Domeng at si nanay ang nagbayad noon hanggang sa maubos ang pera namin. Sumabay pa ang pagbubuntis ni nanay sa kapatid kong babae na si Hanna. Nagsimula noon ay ilang taon lang ay nabuntis muli si nanay sa pangalawa kong kapatid na si Anton. Ilang taon ang lumipas at maging ako ay namomoroblema na sa pag-aaral ko. High school na ako at walang makunan nang ipagpapa-aral sa sarili ko kundi ang limang libo na ibinigay saakin ni nanay ng patago. Tapos ay nagka sakit pa si tatay Domeng matapos itong magtago sa pinagkaka-utangan na malaki at nabaon na kami sa utang at maibenta na ang lupa nina lolo na ipinamana kay nanay. Sapat lang iyon pambayad ng utang at pagpapagamot kay tatay Domeng. Tapos ay nagalit ako kay nanay ng malamang buntis ulit sya, sobrang hirap na hirap na kami sa buhay tapos ay di katagalan ng isinilang ang huli kong kapatid ay binawian ng buhay si tatay Domeng.

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon