Chapter 47: Gave in

1.1K 19 0
                                    

❗R-18!

"Gumising na kayo" pagtawag ni Dory saamin.

Nag-inat ako at tumayo pero nasapo ko ang aking ulo sa sakit. "Hangover!"

"May soup sa menu, umayos na kayo at may shoot pa kayo mamaya!" Ani Dory.

Naibsan ng kaunti ang sakit ng ulo ko pagkakain ng almusal. Uminom na rin kami ng gamot para mabilis iyong mawala.

"Ang aga mong umalis kagabi, Vanna." Ani Irish

"Nalasing na kasi ako, saka inaantok na ako" sagot ko.

"Sino naghatid sayo?" Si Rai.

"Huh? Ako lang" sagot ko.

"May kasama ka kagabing lumabas nakita ko." Ani Rai.

Mabilis na tumahip ang kaba sa dibdib ko. "Ah iyon ba? Nagkat--"

"Hatak-hatak ka niya palabas nakita ko, sino iyon?" Tanong niya ulit.

"Hayaan mo nga siya, Rai. Matanda na si Vanna alam na niyang ginagawa niya" sagot ni Tanya.

"Close ka rin ba kay Dencio?" Tanong ni Rai.

"Huh? Hindi"

"Nakita ko magka-usap kayo kagabi, tapos si Abram naman " Aniya

Pinanood ba niya ako buong gabi? Gusto kong itanong pero pinigilan ko nalang ang sarili.

"Nagtanong lang, kung nakita mo, saglit lang kaming nag-usap"

Mabuti naman at hindi na nag-usisa pa si Rai.

Makulimlim sa labas palagay ko ay uulan mamayang hapon. Hinubad ko ang tsinelas at saka iyon binitbit habang naglalakad sa buhangin.

Niyaya kong maglakad-lakad sila Irish pero hindi sila sumama dahil inaantok pa raw kaya ako nalang mag-isa ang nagpunta rito.

"Shit" sambit ko nang tangayin ng hangin ang suot kong sombrero. Tinakbo ko iyon at saka hinabol, napatigil ako nang makita si Darius na palapit sa pwesto ko.

Bakit ang dalas yata naming magkita.
Kung akala niya ay tatalikod ako at iiwasan siya ay nagkakamali siya, hindi ko nga rin maintindihan ang sarili kagabi kung bakit tumakbo ako sa loob ng club para lang huwag niyang maabutan. Sino ba siya para pagbawalan ako?

"Thanks" sambit ko nang iabot niya saakin ang sombrero. Isinuot ko iyon at saka siya tinalikuran, nakakaisang hakbang palang ako nang magsalita Siya.

"Kumain ka na?" Tanong niya.

"Oo" simple kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman aakalain na susunod pala siya saakin.

"Saan punta mo?" Casual nitong tanong sakin.

"Diyan diyan lang"

"Saang diyan?"

"Basta"

"Okay" anito at patuloy parin sa pagsunod.

Nakita ko na maraming tao sa gawing malapit sa cottage. Nang mapansin na jetski pala ang ginagawa roon ay doon ako dumeretso.

"Sasakay ka, ma'am?" Tanong ng lalaki.

Hindi ako marunong gumamit non pero gusto ko sanang sakyan.

"Puwede ba iyong angkas?" Tanong ko.

"Opo, pwede. May kasama po kayo?" Tanong niya sabay linggon sa likuran ko.

"Wala po" kaagad kong sagot.

"I'm with her" dinig kong ani Darius sa likuran ko.

Kaagad akong umiling. "Mag-isa lang po ako. Kayo nalang po ang magdrive"

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon