Chapter 14: Problems in between

1.2K 22 1
                                    

TBW14

Nagtataka kong tinitigan si Sandy nang tawagin nya si Darius. Magkakilala sila? Kailan? Paano?

"Kumain ka na ba, Vanna?" Tanong ni nanay saakin.

"O-opo" sagot ko at saka naupo sa upuang naroon.

Pinagmasdan ko kung paano tumawa si Sandy habang kausap si Darius. Bakit parang matagal na silang magkakilala? Bakit parang close na sila?

Tuminggin ako kay nanay at kaagad ay nagtama ang paningin namin. Sumenyas si nanay na lumabas kaya lumabas kaming dalawa.

"Nay? Anong nangyayari? Kilala ni Sandy si Darius?" Tanong ko.

"Nagkakilala sila dito nang araw na ilipat si Sandy dito sa kwartong 'to" ani nanay

"Huh?" I am still clueless.

"Kaibigan nya iyong lalaki na ang ngalan yata ay Dustin?" Ani nanay

"Si sir Dustin?"

"Wala akong sinabihan, kaya nagulat ako nang lumapit ang doktor at sinabing ililipat ng kwarto si Sandy. Itsura palang alam kong mamahalin ang kwartong 'to. Aapila sana ako ng sabihin ng doktor na libre iyon"

Hindi ko maunawaan kung bakit iyon ginawa ni Sir Dustin. Paano nila nalaman?

"Kinausap ko ang doktor,Vanna. Nagpumilit akong itanong kung sino ang nagbayad ng kwartong 'to. Nagkataon na naabutan ko sila sa lobby. Doon ko sila nakilala anak" aniya

"Ganoon ba, nay?"

"Oo, tapos ay binisita narin nila si Sandy"

"Alam kong kilala mo sila,pero hindi ko alam na boyfriend mo na pala ang isang yon" malungkot na ani nanay.

"Sorry nay. Alam kong hindi dapat ito ang inuuna ko pero naramdaman ko nalamang na nahulog na ang loob ko sakanya, nay."

"Ang sabi mo ay hardinero iyan hindi ba?" Tanong ni nanay at mabilis ko iyong tinanguan.

"Layuan mo sya, anak" ani nanay na ipinagtataka ko.

"Nay bakit? Tumulong lang naman siya" sagot ko.

"Hindi ko sya gusto, anak. "

"Bakit nay? Anong rason?" Tanong ko pa.

"Basta. Kung kaya mo sana'y layuan mo ang lalaking iyan. Hindi ko mawari ang kanyang pakay" ani nanay

"Nay, ano bang sinasabi mo? Mabuting tao si Darius" sagot ko

"Hindi ka dapat nakipaglapit sakanya" tugon ni nanay.

Hindi ko alam ang isasagot. Akala ko ay ayos lang kay nanay ngunit hindi pala.

Bumukas ang pinto at naroon nakatayo si Darius. "Uh, hinahanap ka ni Sandy, Van" aniya kaya tumango ako at pumasok sa loob.

Hindi rin nagtagal ay umuwi na kami. Hinatid ako ni Darius sa bahay at saka nagpaalam sa isa't-isa.

"See you tomorrow, Van" he daid sweetly

"Thankyou, Darius" ngiti kong ani.

"You're always welcome." Aniya

"I love you" sambit ko at saka lumapit sakanya. Tumingkayad para hagkan ang kanyang labi sandali.

Ramdam ko ang pagkagulat nito sa ginawa ko. "Uh, sige mauna na ko" sabi ko at tumalikod dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Wala na akong balak luminggon ng tawagin nya ako. "Vanna Marie" kaagad akong luminggon.

Sumilay ang ngiti sa labi nya bago sya nagsalita "Isa pa nga" aniya at lumapit saakin at hinagkan ang labi ko.

Natatawa akong humiwalay. "Sige na, gabi na masyado" sabi ko at ngumiti

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon