TBW10: I think I'm Jealous :(
Maaga akong umuwi nang araw ding 'yon. Ayokong pakinggan ang anumang sasabihin ni Darius.
Balak ko syang iwasan dahil ayoko ng malapit pa muli sakanya. Mas mainam na habang maaga palang ay dumistansya na ako.
"Ate, gusto mo?" Iniabot saakin ni Sandy ang isang lollipop. Ngumiti ako at kinuha iyon. "Salamat, bunso" sabi ko at niyakap ito.
"Mag toothbrush ka pagkatapos mong ubusin yan ah. Tapos matulog ka na" ani ko at ngumiti rito.
Itinabi ko ang lollipop at saka nahiga sa manipis na kama para matulog. Alas otso palang pero gusto ko ng matulog para makaiwas sa problema pero mas lalo lang akong nabagabag nang makatanggap ng mensahe galing kay Darius
Darius:
Van, let's talk.
Can I call?
Ilang saglit pa nga ay tumawag na sya saakin. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba 'yon. Bumuntong hininga ako at saka iyon sinagot.
"Bakit?" Bungad ko
"Sorry" aniya
"Okay. Papatayin ko na to" sambit ko dahil wala akong ganang kausapin sya.
"Sandali, p-pwede ka ba lumabas sa inyo?" Aniya
"Bakit?" Nagtataka kong tanong
"N-Nandito ako." Aniya. Nagulat ako sa sinabi nya
Anong nandito ang ibig nyang sabihin?
"Nasa lugar ako kung saan tayo kumain ng kwek-kwek. " aniya
Mabilis akong tumayo sa gulat. Hindi ko alam ang gagawin.
"Umuwi ka na" pumikit pa ako para pigilan ang pagsigaw. Tumayo ako at lumabas ng bahay para makausap sya ng maayos dahil patulog na ang mga kapatid ko.
"No. Please, let's talk Van." Aniya sa malamyos na boses.
"Umuwi ka na." Sambit ko.
"I'll wait you here." Aniya
"Hindi kita pupuntahan! Umuwi ka na" sagot ko at pinatay ang tawag.
Bakit naman pumunta pa sya dito. Gabi na ah! Delikado sa labas lalo na s a lugar namin na'to. Baka mapagtripan sya ng mga tambay sa labas!
Iwinagsi ko sa isip ang pag-aalala sakanya. Bumalik ako sa loob at saka muling nahiga. Sinubukan kong alisin sya sa isip ko pero paulit-ulit ko syang naalala. Bumuntong hininga ako bago tumayo para lumabas at puntahan sya. Tinignan ko ang oras at dalawampung minuto na ang nakakalipas buhat ng tumawag sya. Nagdalawang isip ako dahil baka umuwi na sya. Tinignan ko ang messages nya sa cellphone ko.
Darius:
Please, hear me out
Limang minuto ang nakalipas ng itext nya yon. Baka naroon pa sya. Inayos ko ang sarili ko at nagsuklay bago lumabas ng bahay at puntahan sya roon.
Malayo palang ako ay tanaw ko na sya. Nakakunot ang noo nitong nakatinggin sa cellphone.
Umaliwalas ang mukha nito nang makita ako. Tumakbo pa iyo palapit saakin.
"Sabi ko na nga ba. Pupunta ka." Aniya at ngumiti.
"Umuwi ka na" pagtataboy ko sakanya. Seryoso ang mukha nito bago nagsalita.
"I'm sorry." Aniya
Bumuntong hininga ako at saka naupo sa maliit na upuan na naroon. Ganoon rin ang ginawa nya.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...