Chapter 26: Owned by the beast

1.5K 27 4
                                    

"Hija, kumukha ka ng tuwalya" utos ni lola Cory matapos makita si Darius na basang-basa ng ulan.

Mabilis naman akong sumunod. Matapos kunin ang tuwalya ay iniabot ko iyon kay lola Cory para sya na ang mag-abot.

"Maryosep! Bakit hindi ka muna nagpatila ng ulan? Basang-basa ka" ani lola Cory habang tinutulungang punasan si Darius.

Nagtama ang paningin namin ni Darius kaya mabilis akong nag-iwas ng tinggin at saka tumalikod at humakbang palayo.

"Hot choco?" Tanong ni Abram sakin, hawak ang isang mug ng hot choco

Mukhang masarap. Tumango ako at akmang aabutin iyon nang iiwas nya iyon saakin

"Magtimpla ka ng sa'yo" aniya.

Hinampas ko sya sa braso, naglakad lamang ito papasok sa kusina. Sumunod naman ako para narin makapagtimpla ng para sakin, siguro ipagtitimpla ko rin si Darius.

"Hija, hinahanap ka ni Darius." Napalinggon ako nang pumasok si lola Cory

"Po? Narito lang po ako" sagot ko.

"Nasa itaas sya puntahan mo baka may ipag-uutos" aniya tumango ako at mabilis na tinapos ang pagtitimpla sa hot choco.

"Akin yang isa, huwag mong iinumin yan" sambit ko kay Abram bago ito lagpasan at nagtungo kay Darius

Kumatok ako sa pinto bago ko iyon binuksan. Hindi parin ito nagpapalit ng damit, nakaupo ito sa upuang naroon habang nanginginig na nakabalot ng tuwalya.

Mabilis akong lumapit at ibinaba ang tasa ng hotchoco sa mesa. Binuksan ko ang maliit na aparador doon at saka kumuha ng damit.

"Magpalit ka muna, baka magkasakit ka" sabi ko at iniabot ang damit

Tumango ito at nagtanggal ng damit. Mabilis akong napatalikod.

"Uh, lalabas muna ako" sabi ko at hindi na sya inantay pang sumagot.

Kaagad ko ring binuksan ang pinto ng mapagtanto na kailangan muna nyang maligo para hindi sya magkasakit.

"Uh, huwag mo muna isuot" pagpigil ko sakanya.

He looks at me like he was clueless. Then, he smirk. "You want to watch me naked?"

Parang umusok ang ilong ko sa sinabi nya.

"Hindi, maligo ka muna para hindi ka sipunin. " sabi ko

"Tapos inumin mo 'tong hot choco para mainitan ka" sabi kong muli. He steps closer kaya napaatras ako pero kaagad din akong pumirmi dahil hindi naman dapat ako matakot e.

"Bring me another cup of hot choco once I was done washing myself." Aniya at pumasok na sa banyo.

Kinuha ko naman ang hotchoco at saka iyon ininom.

"Ang arte" bulong ko at lumabas para ipagtimpla sya ulit.

"Sayo na to" turo ko sa hot choco na nasa mesa

Tinaasan lamang ako ng kilay ni Abram

"Ayaw ni Darius eh, sayang"

"Drink it yourself, ayoko ng pinag-ayawan" aniya at naglakad palabas ng kusina.

Napabuntong na lamang ako ng hininga. Mas nakakastress dito. Parang dalawang Darius ang pinakikisamahan ko.

Bumalik akong muli sa silid ni Darius. Nakabihis na ito at nakahiga na sa kama habang balot na balot ng comforter

"Huwag ka munang matulog, basa pa buhok mo" sagot ko.

"I'm tired" aniya ng halos hindi binubuka ang bibig.

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon