"Bakit ngayon lang kayo?" Isang matandang babae ang sumalubong saamin.
"Naabutan po kami ng bagyo sa byahe" sagot ni Darius sa ginang.
Tumango ang ginang at sumilip sa likuran ni Darius, dahilan para magtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti ang babae saakin kaya't gumanti rin ako ng ngiti rito. May ibinulong ang ginang kay Darius at tangging tawa lamang ang sinagot nya rito
"Pasok kayo dali" anang ginang
Luminga ako sa paligid at nanibago sa ganda ng mga nagtataasang puno ng buko roon. Mayroon ring magagandang halaman sa gilid, buhay na buhay rin ang mga damo roon.
"Kumain na kayo?" Tanong ng babae pagkapasok namin sa loob.
Nag-usap na lamang sila ni Darius habang ako naman ay lumabas para pagmasdan ang nag-gagandahang mga halaman sa paligid.
Sinundan ako ni Darius palabas akala ko ay may sasabihin ito pero nilampasan lang ako at dumeretso ito sa van para kuhanin ang gamit. Tutulong sana ako kaso inako ni mang Lito ang gawain kaya naglakad lakad na lamang ako roon.
Hindi mapigilan ang galak sa bawat halaman na nakikita, nakakarelax sa pakiramdam. Patuloy lang ako sa paglalakad at binusog ang mga mata sa nag-gagandahang tanawin.
Tumingala ako nang makita na sobrang tataas ng mga puno rito. Kadalasan ay puro buko o niyog ang tanim mayroong mangga rin akong nakita, ang mga puno ay maayos na nakahelera.
"Ay" sambit ko nang may mabunggo ako
"S-Sorry po" hingi ko ng despensa
"Sino ka? Bakit ka nandito?" Masungit na tanong ng lalaki saakin. Tinitigan ko ang lalaki, matikas ang pangangatawan nito, gwapo ito at hindi ko iyon maikaka-ila. Nakasuot ito ng kulay puting long sleeve siguro ay trabahador?
"Outsiders huh" rinig kong bigkas nya. Sasagot sana ako nang bigla ako nitong buhatin at isampa sa balikat nito. Napasigaw ako sa gulat sa ginawa nitong pagbuhat saakin
"Ibaba mo ako!! Hoy, ibaba mo ako!" Sigaw ko habang pinagpapalo ko ang matigas nitong likuran.
"Huwag kang malikot ipapakain kita sa buwaya rito" anito, bigla naman akong tumigil sa pagkislot natatakot na baka totoo ang sinabi nito.
"Tulong!" Sigaw ko nang narealize ko na hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin.
"Sabi ko manahimik ka" anito sa malambot na boses.
"Ibaba mo ako! Ipapakulong kita!" Sigaw ko sakanya
"Ako dapat ang magsabi nyan! Tresspassing ang ginagawa mo!" Sigaw nito pabalik
"Anong tresspassing pinagsasabi mo? Ibaba mo ako!"
Nakarinig ako ng malalakas na tahol ng mga aso. Ibinaba nya ako at muntikan na akong sumampa sakanya nang makita ang mga nakataling aso na nagsisitahulan.
Para akong namutla sa takot, kahit hindi ko kilala ang lalaki ay napahawak ako sa braso nito.
"Ipapakain kita sa mga alaga kong aso kung di mo sasabihin kung sino ka" anito at lumapit sa aso. Natatakot akong bumitaw sakanya pero hinitak nya ako palapit sakanya.
"Wag! V-Vanna, Vanna ang pangalan ko" sambit ko sa takot
Muli ay binuhat na naman ako nito gaya ng pagkabuhat nya saakin kanina. Nakasabit ako sa balikat nito.
"Ibaba ko ako, hindi ako sisigaw" sabi ko
Huminto ito sandali kaya akala ko ibaba na nya ako pero muli itong nagpatuloy. "Sige na, ibaba mo ako" malambing kong ani.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...