TBW15
"Dalawang buwang palugit lamang at aalis na kayo. Kung hindi man ay sapilitang idedemolish ang mga bahay ninyo. " ani ng abugado bago nilisan ang aming lugar.
"Jusmiyo! Paano na tayo?" Tanong ni nanay.
Kauuwi lang namin galing sa hospital at heto ang bumungad saamin.
"Oh? Ipasok na kita sa club ko, Vanna" sambit ni tita Nancy.
Tinignan ko si nanay para tignan ang reaksyon nito. Suminghap ito at bumuntong hininga. "Ako nalang kaya, Nancy?" Sambit ni nanay na ikinagulat ko.
"Nay" sambit ko dahil hindi ko gusto ang sinabi nya. Kaya ko pa naman silang pakiinin e.
"Vanna, kahit anong kayod ang gawin mo hindi mo matutustusan ang gastos lahat lalo na at palalayasin na tayo sa lupang to. Kaya ako nalang" aniya
"Nako, ate. Mababa ang kita pag ikaw pero pag si Vanna sure na malaki isnag gabi palang" ani tita Nancy.
"Ayaw naman nya. Ako nalang" ani nanay halatang pursigido na.
"Oh sige ate ipapasok kita. Medyo mababa lang ang kikitain mo ate kumpara sa mga fresh at bata pa"
"Aba't? Hindi ba ko fresh?" Tanong ni nanay
"Makunat ka na ate" tawa ni tita Nancy.
"Ayaw mo ba talaga, Vanna? Isang giling mo lang limang libo agad depende pa sa tip. Pag naman one night stand pag kasing ganda mo at birhen pa paniguradong trenta mil ay may makukuha ka. Galante ang mga customers don. Virgin ka pa naman diba?" ani tita.
"Hayaan mo syang magdesisyon, Nancy." Singhal ni nanay.
Hindi ako kumibo. Pinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos ng gamit ko.
"Darius, bakit mo binayaran ang bill ni Sandy?" Tanong ko nang oras na magkita kami ni Darius.
Sakanya nakapangalan ang payment ng bills ng hospital. Malaki ang inabot ng bill umabot ng trenta mil dahil narin sa special room ang ginamit. Anim na araw lang pero umabot ng ganon ang bill.
"Ayokong makita kang nahihirapan. I just helped you" aniya
"Pero--"
"Let me." Aniya
"O-Okay. Salamat, Darius" sabi ko at niyakap sya.
He seems like my knight in shinning armor.
I'm scared to the fact that I keep falling for him. I am hoping that we can end happily.
Lumipas ang mga araw at tuluyan na nga kaming walang nagawa sa sinabi ng abugado. Aalis kami dito ilang linggo mula ngayon. Hindi ko alam kung saan kami titira.
"Oy! Vanna ano na? Ayaw mo padin ba? Baka makahanap ka ng jackpot don. Sayang naman ang ganda mo!" Ani tita Nancy saakin.
Napabuntong hininga ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi sasapat ang kinikita ko sa amin. Lalo ngayon at kailangan pang humanap ng malilipatang bahay.
Ayokong maging mababang uri lamang. Ayokong ibenta ang sarili ko para sa pera. But my situation makes me think that I should grab it but I still hesitate.
"A-Ayoko tita" tugon ko.
"Bahala ka jan. Sinasabi ko lang sayo!" Ani tita at saka umalis sa aking harapan.
"Uy, Vanna." Tawag ni Alice saakin.
"Oh?"
"Nakahanap ka na ng lilipatan?" Tanong sakin ni Alice.
"Naghahanap na" tugon ko.
"Mabuti pala. Diba sabi mo sakin naghahanap ka ng trabaho?" Tanong nya na syang umagaw ng atensyon ko.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
Storie d'amoreSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...