Chapter 5: Hug

1.5K 24 4
                                    

TBW5: Hug

--

"VANNA, iyong pambayad ba sa kuryente? Iyong sa tubig?" Bungad iyon ni nanay saakin matapos kong maligo. Nagsusuklay na ako ng aking buhok para maghanda sa trabaho.

"Gagawan ko ng paraan nay." Sagot ko.

"Hay nako, kung pumayag ka lang kasi na magtrabaho ako sa club edi sana hindi ka nahihirapan." Anito.

"Di naman ako nagrereklamo,nay." Sabi ko at ngumiti.

"Oh sya, anong oras uwi mo?" Tanong saakin ni nanay.

"Baka po alas kuwatro, nay." Sagot ko at saka nagpulbos.

"Okay sige." Anito at saka tumalikod.

Nagpaalam na rin akong aalis na. Napabuntong hininga na lamang ako, kailan kaya kami makakaalis sa hirap? Minsan nga naiisip ko, paano kaya kung nalaman ng tatay ko na mayroon na syang anak kay nanay, mamahalin kaya nya kami?tatanggapin? O itataboy?

"Andito na hija. Bente pesos." Sabi ng tricycle driver at inilahad ang kamay.

Iniabot ko ang bayad at saka dumiretso ng pumasok sa loob.

Kaagad akong tuminggin sa gilid kung saan naroon madalas kong makita si Darius pero nakakapagtaka dahil wala ito roon.

"Bakit ko naman sya hinahanap?" Bulong ko sa aking sarili at saka naglakad papasok sa bahay.

"Oy, girl!" Isang matinis na tili ang aking narinig. Nakangiti si Alice saakin.

"B-Bakit?"

"Guess what?" Anito at ngumiti.

"Hmnn. Ano?" I ask

"I have a boyfriend na!" She yelled and hug me.

"Huh? S-Sino?" I ask and acts curious.

"Naku, saka ko na sasabihin." Humagikgik pa ito. Umiling nalang ako at nagpaalam na magpapalit ng damit.

"Vanna, iyong kwarto sa itaas, linisan mo na." Ani miss Luz.

I do what she say, nagpunta na ako sa itaas ay nagsimulang linisan ang mga kwarto roon. Huminto ako sa kwarto kung saan doon natutulog si Darius, biglang sumibol ang kaba sa aking dibdib.

Marahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at sa aking pagbukas ay nakita mo ang makisig na likuran nito. Nakaupo ito sa kama at tila ba nay kausap sa telepono.

"No, I can't. What?... Just asks ate Danna instead, I wasn't ready for that... " he said.

His serious voice was like a pretty symphony in my ears.

"Oh come on, pa.... alright, just give me time to think about it---, fuck no! Just give me time you don't have to do that!... what? You're crazy!" He hissed over the phone.

Kausap nya ang tatay nya? Bakit naman sya nagmumura? Minumura nya ang papa nya? Bakit?

"Just give me a fucking time, pa. Iyon lang naman ang hinihingi ko!..... Stop telling me that!.. Just give me time,if you don't, then find someone!" He hissed

Tumalikod na ako para sana lumabas muna pero narinig ko ang boses nya sa aking likuran.

"Van." He called my name.

Tuminggin ako sakanya at doon ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Uh, maglilinis sana ako, pero mamaya nalang baka makaistorbo ako" sagot ko.

"Okay lang. Maglinis ka na." Anito at tipid na ngumiti.

Naglakad ito palapit saakin, kumabog ng husto ang aking dibdib, bakit ba ganoon nalang ako magreact pag malapit sya saakin? Kinakabahan ako at natatakot dahil ganitong ganito ang aking naramdaman kay Kenjie noon, noong nahulog ang loob ko sakanya.

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon