TBW9: Ghosting
"Ngiting-ngiti ah! Bakit?" Bungad ni Kenjie nang magkita kami. Umiling lamang ako dahil ayoko munang sabihin sakanya ang dahilan ng pag ngiti ko.
"Sus. Tara na sa bahay" anito at hinitak ako papasok sa bahay nila.
Mayroong maliit na salo-salo roon. Pamilya nya ang naroon at ilang katrabaho.
"Vanna. Buti nakapunta ka?" Bungad saakin ni tita Jane, mama ni Kenjie.
"Opo. Maaga pong natapos ang trabaho" ani ko lamang.
Masaya ang selebrasyon ni Kenjie. Nagkaroon ng kantahan at kwentuhan. Sinasagot ko lamang ang mga tanong ni tita Jane saakin. Nakakatuwa nga dahil walang nagbago sa pakikitungo nya saakin kahit na hindi na ako girlfriend ni Kenjie. Pakiramdam ko ay kapamilya parin ako.
Alas sais y media nang nagyaya na akong umuwi. Hindi ako pwedeng gabihin dahil bilin iyon ni nanay.
"Sige, mauna na ako Vanna. Kitakits ulit ah." Ani Kenjie bago umalis.
"Vanna." Bungad ni Nanay saakin pagkapasok ng bahay. Nakaupo ito sa silya at mukhang problemado.
"Bakit nay? Mayroon bang hindi sumipot na customer?" Tanong ko at saka naupo sa kaharap nitong upuan.
"Hindi naman. Maganda ang kita ng negosyo ko, Van. Ang pinoproblema ko ay si Sandy" ani nanay.
Tinignan ko ang kapatid kong si Sandy na matamlay na nakahiga sa maliit nitong kama.
"Bakit nay? May sakit ba ulit?" Tanong ko at nilapitan si Sandy para i-check ang temperature nito gamit akong likuran ng aking palad.
"Nahihilo ka ba? Ha Sandy?" Tanong ko rito. Umiling naman ito.
"Wala ng sinat, ubo't sipon naman." Ani nanay
"Nagiging sakitin yata si Sandy, Vanna. Hindi ko naman alam kung bakit." Ani nanay
"Ipacheck-up kaya natin nay?" Tanong ko dahil nag aalala na rin kay Sandy.
"Wala tayong pera." Aniya.
"Mayroon akong ipon nay. Gamitin muna natin." Sagot ko.
"Diba nag-iipon ka ng pang college mo?" Tanong ni nanay.
Plano ko sanang magcollege kapag nakaluwag luwag dahil malaki rin ang sinasahod ko sa pangangatulong kina mam Luisa. Mas malaki kasi ang opurtinad ko kung magka-college ako, plano kong mag abroad para mas malaki ang kita dahil sa panahon ngayon ay degree ang kailangan.
"Di na muna nay. Pagtatapusin ko muna si Hanna" sabi ko lamang.
"Sige. Mayroon din naman akong naitabi." Ani nanay.
Kinuwenta namin ni nanay ang naipon na pera. Sabay pa kaming napabuntong hininga ng matapos kwentahin 'yon.
"Limang libo na pala ang naitabi natin." Ani nanay at ngumiti.
"Malaki na din nay" sagot ko at nagthumbs up pa.
Kinaumagahan ay nagmamadali akong umalis ng bahay para pumasok sa trabaho. Hindi ko maintindihan siguro ay dahil gusto konrin makita si Darius.
"Good morning, Havana oh nana" ani Alice at sumayaw pa. Natawa lamang ako.
"Hyper na naman ah." Komento ko.
"Di naman. Magpalit ka na" anito at lumabas ng kwarto para makapagpalit ako ng damit pang katulong.
"Nakita kita kahapon. Boyfriend mo ba yung sumundo sayo?" Tanong ni Alice habang nagpupunas ng mga gamit sa sala.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
Roman d'amourSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...