Chapter 24: The growing feelings

1.4K 28 4
                                    

Abala ako sa pagtitiklop ng mga damit nang pumasok si nanay Susan sa silid. Akala ko ay may kukunin lamang ito pero naupo ito sa aking harapan at hinawakan ang aking kamay dahilan para matigilan ako sa aking ginagawa.

"Bakit hindi ka sainyo tumuloy nang isang araw?" Tanong nya saakin.

Maguguluhan ako, paano ba nila nalaman? Malamang sinabi ni nanay na hindi ako nakauwi roon nang araw na iyon.

"Sa kaibigan ko po ako tumuloy" mahina kong tugon

Ang tinggin saakin ni nanay Susan ay para bang nang-uuyam sa narinig.

"Ang paalam mo saakin, sa inyo ka uuwi kaya kita pinayagan" aniya at dahil doon ay kinabahan ako ng husto parang alam ko na ang mangyayari, gumawa ako ng bagay na alam kong pagsisisihan ko.

"Sorry po. Ayoko pong makita ng pamilya ko na hindi ako masaya, na umiiyak akong uuwi sakanila.." nanggigilid ang aking luha sa tinuran.

"Hindi ka na sana umuwi kung ganon" malamig na sabi ni nanay Susan, pakiramdam ko sa mga oras na ito ay wala akong kakampi. Mali nga siguro ang naging desisyon ko nang gabing iyon, pero hindi ko iyon pinagsisisihan.

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni nanay Susan saakin

"Kung sana'y hindi sa lalaki ka umuwi" aniya nang may malamig na titig saakin.

"S-Sorry po" paumanhin ko

Medyo naguguluhan lamang ako, bakit parang bawat galaw ko ay dapat sang-ayon sila? Pakiramdam ko ay para na lamang akong puppet na sumusunod sa kung anong nais nila. Bakit hindi ko pwedeng gawin ang gusto ko? Bakit parang pilit saaking pinagkakait ang pagkakataon na maging ako?

"Hindi ka muna makakauwi sainyo" aniya dahilan para manlamig ako ng husto.

Hindi na ako makakauwi saamin. Ang tangging pag-asa ko na mawala ang sakit ng ito ay ang pag-uwi saaking pamilya ay nawala na.

Hindi ako sumagot ngunit nais kong manumbat, nais kong magalit, nais kong sabihin ang nararamdaman ko pero naalala ko lamang ang mga katagang pilit tumatatak sa aking isipan "isa ka lamang na bargain na babae" na para bang ang mga salitang iyon ay may sumpa na pumuputol sa aking karapatan bilang babae.

"Tapusin mo na iyang ginagawa mo. Lumabas ka pagtapos at linisin ang study room sa itaas" aniya at lumabas na.

I sighed. Hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan...
Sa ngayon ay ang tangi ko na lamang pinang hahawakan ay ang mga salita ni nanay na iaalis nya ako rito. Sana nga'y totoo

Gaya ng inutos ay nilinis ko ang silid sa itaas. Pumasok din doon ang dalawang kasambahay, nang makita nila ako ay kaagad umismid ang isa.

Sa halos isang buwan ko rito ay ngayon lang nila ako pinansin pero kung ganitong pagpansin lamang ang gagawin nila ay sana'y hindi nalang.

"Ang landi landi" rinig kong sabi ng isa sakanila habang kinokolekta ang basura

"Manong kung lalandi ay huwag ng mandamay" sagot pa ng isa

Kahit hindi nila sabihin na ako iyong tinutukoy nila ay alam ko na ako iyon. Hindi ako malandi, wala akong nilandi pero bakit parang sobrang sama ko sa paninggin nila

Lumabas na ang dalawa sa silid, narinig ko pa ang bulungan ng dalawa bago mawala sa aking paningin.

Napagpasyahan kong mag cr sandali sa loob ng cubicle ay narinig ko ang dalawa na nag-uusap. Gusto kong umalis kaagad pero hindi ko naigalaw ang aking paa sa kaba. May kung anong bumubulong saakin na marinig ang pag-uusap ng dalawa.

"Hindi ko alam kung anong relasyon ng babaeng iyon kay Sir Darius at ganoon na lamang magalit si sir nang isang gabi"

"Paabot nga ng basahan, punasan ko lang tong salamin" dugtong ng babae

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon