Chapter 6: Heavy rain, heavy feelings

1.4K 21 3
                                    

TBW6: HEAVY RAIN, HEAVY FEELINGS

---
Makulimlim ang kalangitan nang pumasok ako sa aking trabaho sa hacienda.

"Vanna, paki-linisan na ang mga kwarto sa itaas"

"Opo"

Mabilis akong kumilos at ginawa ang nakatoka saaking gawain.

Lihim kong hinahanap si Darius sa buong mansyon ngunit wala ito roon. Gusto ko mang itanong ang ilang kapwa ko kasambahay kung nakita ba nila si Darius pero baka magtaka ang mga iyon kung bakit at kung ano pa isipin. Natigil ako sandali, bakit ko nga ba sya hinahanap? Wala naman akong sasabihin sakanya at wala ein akong kailangan sakanya kaya bakit ko sya hahanapin? Siguro'y nasanay lamang ako sa presensya nya tuwing narito ako sa mansyon. Dalawang buwan na rin kasi ang nakakalipas buhat ng nakilala ko sya, at sa huling buwan ay napalapit na rin ako sakanya.

Matapos maglinis ng mga kwarto ay kinolekta ko ang mga basura at saka iyon dinala sa labas ng gate.

"Ako na jan, mukhang mabigat" ani Ben at ngumiti bago kuhanin saaking kamay ang isang plastik ng garbage bag.

"Salamat, Ben" sabi ko at ngumiti. Tumango lang ito at sya na ang tumapos sa ginagawa ko.

"Kumain ka na?" Tanong nya saakin.

"Kakain pa lang pagkatapos ko rito." Sagot ko dahil tanghali naman na.

"Ako na tatapos, kumain ka na roon." Aniya.

"Hindi na, ako na ang tatapos baka mayroon ka pang gagawin." Nahihiya kong sabi. Baka kasi nakakaabala na ako sakanya at ayoko namang mangyari iyon.

"Breaktime ko wag ka mag-alala" aniya at saka kumindat.

Mas lalo akong nahiya dahil sahalip na magpahinga ito at hugulin ang breaktime sa ibang bagay ay heto sya't tinutulungan ako.

"Breaktime mo pala dapat nagpapahinga ka." Sabi ko at hinawakan ang isang plastic bag.

Mabilis namang kinuha iyon ni Ben saakinh kamay. "Sus. Ayos lang promise. Concern ka sakin?" Aniya at tumawa.

Hindi ako sumagot. Tinalikuran na lamang nito at saka dinala ang mga trash bag sa ilabas.

"Kain ka na ron, ako na dito." Aniya.

Balak ko sanang umangal pa pero mukhang wala naman na akong magagawa kaya nagpasalamat nalang ako at saka pumasok na sa loob para kumain. Eksakto rin naman na tapos na si Alice sa kanyang gawain.

"Sabay na tayo kumain." Aniya, tumango naman ako.

"Ang tahimik ng bahay ano?" Aniya pagkalapag ng baso sa mesa. Sinalinan ko iyon ng tubig at sabay kami naupo sa upuan at nagsimula ng kumain.

"Oo nga e" tugon ko.

"Nasa Manila sina Ma'am Luisa kasama si Sir Dustin e." Aniya.

Sinubukan kong pigilang magtanong kung kasama ba nila si Darius kahit na gusto kong malaman ang sagot.

"Kasama si Darius." Aniya at saka ako nginitian ng nakakaloko.

"D-Di ko naman tinatanong." Kinakabahan kong sabi. Ang mga tinggin ni Alice saakin ay para bang may gusto itong ipahiwatig saakin ngunit ayaw lamang sabihin sahalip ay dinaan nya ako sa naniningkit nitong mga mata.

"Sus, kitang-kita sa mga mata mo sis. Kahit di mo itanong alam kong gusto mong malaman." Aniya at saka tumawa.

Nahihiya akong uminom ng tubig sa baso.

"Hindi ah." Depensa ko pa.

Halata ba? Bakit naman kasi ganoon ako kumilos? Nakakainis lang dahil hanggang ngayon pala ay mabilis parin akong basahin.

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon