TBW18
"Ayos ka lang?" Tanong ni Kenjie matapos akong abutan ng tasa ng kape. Ngumiti lamang ako at umiling.
Tumingala ako sa langit at mapait na ngumiti sa mga bituwin.
Ang kasiyahang aking naranasan
Pait ang syang kinalabasanNangigilid ang aking luha nang maramdaman ang kakaibang sakit sa aking puso. Bahagya akong tumagilid at palihim na pinunasan ang aking luha.
Ayokong maging mahina. Hindi ako pwedeng maging mahina.
"Ayos lang" aniya dahilan para mapatinggin ako sakanya.
"Nandito ako, makikinig ako" aniya at saka ngumiti saakin.
Ramdam na ramdam ko ang muling pamumuo ng aking luha na di kalauna'y bumagsak rin saaking pisngi. Hindi ko napigilan bigla na lamang akong napahagulgol.
Ganito pala ang pakiramdam kapag ang naipong sakit, puot, lungkot at takot ang namayani sayo.
Naramdaman ko ang bisig ni Kenjie saaking balikat marahang tinapik iyon.
"B-Bakit ako?" Sambit ko sa nanginginig na boses. "Bakit ako nakakaranas ng ganito?" Patuloy ang pag agos ng aking luha.
Kaagad ay pinunasan ko ang luha na naglandas saaking pisngi.
"A-Ah, b-bukas hahanap na ako ng mauupahan naming bahay" sambit ko matapos ay ngumiti.
"Ayos lang naman, natutuwa sila mama kina Sandy" aniya pero alam ko na magiging pabigat kami kung magpapatuloy iyon.
Maggagabi na rin pala at di ko pa nakakausap si nanay. Malamang ay hindi nito alam ang nangyari. Kinuha ko ang cellphone ko saaking bulsa upang sana'y tawagan si nanay at ibalita ang nangyari nang eksaktong tumawag si nanay.
"Vanna? Ano nasan kayo?" Anito sa nag-aalalang boses.
"Nay" bungad ko.
Tuminggin ako sandali kay Kenjie. Ngumiti ito at tumango at saka tumayo at naglakad papasok ng bahay.
"Putcha! Ano? Saan tayo titira ha?!" Nagagalit na sambit ni nanay.
"Nay, hahanap ako ng matitirhan bukas din. May pera po ako dito"
"Mabuti. At ilang araw nalang din ay makakalabas na kami ng hospital." Aniya
"Pumunta ka dito bukas ss hospital, Vanna. Mag-usap tayo" aniya at saka pinatay ang tawag.
Tinitigan ko lamang ang screen ng aking cellphone. Mapait akong ngumiti nang maalala ang matatamis na salita ni Darius.
Nang gabi ring iyon ay hindi rin ako nakatulog dahil sa matinding pagkabahala. Hindi ko alam ang uunahin ko. Ang akala kong tao na tutulong saakin ay iniwan ako.
Tama nga si nanay, kung sana'y una palang ay dumistansya na ako kay Darius malamang siguro'y hindi ako nakakaramdam ng matinding sakit saaking dibdib.
Kinaumagahan ay naligo na ako at nag-ayos. Eksaktong paglabas ko ng pinto ay ang paglabas din ni kenjie sa kwarto nito.
"Aalis ka?" Tanong nya
Tumango ako. "Oo, pupunta ako ng hospital tapos ay hahanap na din ng mauupahan" sagot ko.
"Antayin mo na ako. Sasamahan kita" aniya at mabilis akong umiling. "Hindi na, kaya ko naman"
"Sigurado ka?" Tanong nyang muli
"Oo naman. Makikisuyo lang sana ako na pakibantayan muna sina Sandy rito hanggat di ako nakakahanap ng bahay pa"
"Ako ng bahala sa mga kapatid mo hija." Sambit ng mama ni Kenjie dahilan para ako'y mapangiti.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...