TBW2: MULING PAGKIKITA
TULALA akong naglakad pauwi saaming bahay ng gabing iyon. Maaga ako umuwi kaya bumili muna ako ng masarap na pagkain para sa mga kapatid ko.
Hindi maalis saaking isipan ang lalaking iyon. Hinalikan nya ako at hindi ko alam kung bakit kakaiba ang aking naramdaman.
"Nay." Tumawag ako sa labas ng aming bahay, maya-maya ay bumukas iyon.
"Ang aga mo ah" bungad ni nanay bago binuksan ang pintuan.
"Maaga po natapos ang mga gawain." Sagot ko lamang pagkapasok sa loob.
Matapos naming kumain ay naligo ako at nag toothbrush at saka humiga saaking maliit na kama. Tinitigan ko ang kisame at doon ay tila nangarap.
Biglang bumalik saaking isipan ang nangyari kanina lamang. Ginamot ni
Darius ang aking sugat. Nakangiti ako nang itinaas ko ang aking daliri kung saan naroon parin ang band-aid na inilagay nito. Iniwasan ko talagang mabasa iyon ng ako'y naligo kanina.Hindi ko alam pero alam kong masaya ako ngayon, hindi ko lang alam kung sya ba ang dahilan o dahil mayroon akong trabahong maganda at sapat na. Hindi ko na kailangang magtrabaho ng dalawang beses sa isang araw dahil sapat na ang sahod ko para saaming pamilya. Sinabi ko iyon kay nanay at pumayag naman ito na iyon nalang muna ang papasukin kong trabaho.
Kinaumagahan ay naligo kaagad ako at nagtooth brush. Hiniram ko rin ang pabango ni nanay at saka iyon inispray saaking leeg.
"Nay, aalis na ako." Paalam ko. Kumunot ang noo nito at suminghot nagtataka kung bakit ako nagpabango. Bago pa magsalita si nanay ay lumakad na ako palayo papunta sa hacienda.
"Tao po!" Tawag ko. Ilang sandali ay lumapit saakin ang guard at nakangiti akong binati.
"Good day, beautiful." Aniya
"Good day din po."
Pumasok na ako sa loob at nagpalit ng damit pang kasam-bahay. Naglinis na din ako at ginawa ang mga bagay na dapat gawin.
Palinga-linga ako sa paligid, hinahanap ang haciendero na ang pangalan ay Darius."Alice, dalhin mo itong meryenda sa baba para sa mga trabahador." Sabi ng babae na si miss Susan, isang byudang babae, sya iyong headmaster naming mga kasambahay.
"A-Ako nalang po." Prisinta ko.
Nginitian ako ni Alice.
"Oh sya sige, dalian mo." Ani SusanDumaan ako sa hardin at doon ay hinanap si Darius. Wala sya. Bakit kaya?
"Heto po ang meryenda ninyo." Ngumiti ako pagkababa ng meryenda sa mesa
"Ikaw? Nagmeryenda ka na?" Tanong ng isang kargador.
Tumango ako kahit ang totoo ay hindi pa. Nagpaalam akong aalis ngunit sa hardin ako dumiretso. Wala nga sya.
"Ayos ba?" Napalinggon ako sa lalaking nagsalita. May hawak iting mahabang gunting.
"Maganda po." Komento ko at tuminggin sa mga bagong putol na halaman na hugis puso.
"Salamat naman." Aniya.
"Kasambahay ka dito?" Tanong nya.
Tumango ako pero sa totoo lang ay naiinis, halata naman kasi sa suot ko.
"Opo."
"Ako si Andeng, ang hardinero dito" pakilala nya.
Sya? Hindi ba si Darius ang hardinero?
"Ikaw po ba?" Tanong ko nagtataka.
Tumawa ito at tumango.
Nagpaalam na din akong aalis at pumasok na sa loob upang magpatuloy sa paglilinis.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...