Chapter 13: Meet the mother

1.2K 27 1
                                    

TBW13

Hindi maalis ang ngiti saaking labi habang tinatahak ang daan papunta sa mansyon. Isang linggo na ang lumipas buhat ng sagutin ko si Darius at wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari.

"Sana all may lovelife!" Tudyo ni Alice pagkapasok ko sa maids quarter.

"Hindi ka na sinuyo ni Buknoy?" Tanong ko rito. Ngumuso lamang si Alice at umiling. "Hayaan mo nga sya. Porket ayokong makipag-sex sakanya hihiwalayan na nya ako" asik nito.

Napakurap ako sa sinabi nito. Napaka-bulgar talaga ng bibig ni Alice.

Sinimulan ko na ang mga gawain na nakaatang saakin. Wala si Darius ngayon sa hacienda dahil sinama raw ni sir Dustin sa probinsya para tignan ang mga pananim roon.

"Vanna, hindi ka ba nahihirapan magpabalik-balik?" Tanong ni mam Luisa nang magsalubong kami sa hallway.

"Dapat ay dumito ka na tumira. Umuwi ka na lang kapag Linggo" aniya.

"Pag gabi po kasi ay walang nagbabantay sa mga kapatid ko,ma'am e. " sagot ko dahil napapadalas ang pag-alis ni nanay pag gabi.

"Ganon ba? " anito. Mabilis akong tumango bilang tugon.

"Oh, wala si Darius, Vanna" ani ma'am Luisa. Nahihiya naman akong nag-iwas ng tinggin.

"You're pretty hija. No wonder why he likes you. Oh sya, mauna na ako." Anito at tumango lamang ako.

Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Darius

Boyfriend♡
I missed you, baby :(

Kaagad nag-init ang aking pisngi sa simpleng mensahe nya. Nakangiti akong nagtipa ng mensahe para sakanya

Me:
I missed you too :)

Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang set-up kasama sya.

Alas kuwatro y media nang umuwi ako sa bahay. Naroon si Kenjie sa aming bahay at inaantay ako.

"Bilisan mo" anito. Tumango ako at sumama rito.

Ililibre ako ni Kenjie ng lomi sa kanto kaya sumama ako. Naroon pa naman si nanay sa bahay kaya may kasama pa ang mga kapatid ko.

"May dala akong mga libro" anito at iniabot ang paperbag saakin.

"Wow. Salamat" nakangiti kong kinuha iyon ay binuksan. Dalawang english novel ang naroon at isang makapal na webster.

"Naks! Mukhang bago ang mga 'to ah" tudyo ko rito.

"Hindi naman masyado" anito.

Umorder kami ng lomi at habang nag-aantay ay nagkuwentuhan kaming dalawa.

"Sino si Darius, Vanna?" Tanong nito na nagpatigil saakin.

"H-Huh?" Kumurap pa ako bago nag-iwas ng tinggin.

"Tell me. Sino si Darius?" Aniya na pilit inaagaw ang atensyon ko.

I looked at him and sighed. "B-Boyfriend--"

"Ano? Boyfriend? Seryoso ka?" Anito sa mataas na boses. Luminga ako sa paligid

"Wag ka namang maingay" sambit ko dahil may iilang kumakain na tuminggin sa gawi namin.

"Bakit hindi ko alam ang tungkol jan?" Aniya.

"Bago pa lang naman" sagot ko.

Dumating na ang order naming lomi bago ako nagsalita.

"I'm sorry"

"Anong buong pangalan?may picture ka ba nyan? Patinggin ako" aniya.

"Ha?"

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon