TBW11: SAME PAGE
"Anong gusto mong regalo, bunso?" Tanong ko sa kapatid kong si Sandy dahil bukas ay kaarawan na nito.
Inilagay ni Sandy ang kama nito sa baba na waring nag-iisip. "Toy lang ate. Gusto ko ng peppa pig na stuff toy" aniya ay ngumiti.
"Sige. Ibibili ka ni ate" sabi ko at nginitian sya ng matamis.
"Talaga ate?" Aniya at tumango ako.
Maliit na bagay pero alam kong matutuwa sya ng husto kapag nabilan ko sya ng laruang gusto nya.
"Nay, pasok na ako" paalam ko bago isinukbit ang bag at hinalikan sa pisngi si Sandy bago naglakad palabas ng bahay.
Sinalubong ako ni Darius nang makita nya ako. Nakangiti ito saakin kaya ngumiti rin ako. "You didn't text me" bungad nito.
"Sorry. Hiniram kasi ng kapatid ko ang cellphone ko." Sagot ko.
"Okay. By the way, goodmorning" he said and smile.
"G-good morning" bati ko pabalik sakanya.
"Uh, for you" aniya at inabot ang kumpon ng bulaklak saakin. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Gusto mo ang mga rosas hindi ba?" Aniya at ngumiti.
Tinitigan ko lamang ang kumpon ng bulaklak na maayos na naka-arrange.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi nga ako sigurado kung tatanggapin ko ba iyon.
"Damn, Sancha. It's her idea. Ayaw mo ba? Hindi mo ba nagustuhan?" Sunod-sunod nitong tanong saakin.
Mabilis akong umiling. "G-Gusto. Pero, uh.."
"Bakit ayaw mong tanggapin?" Kumunot ang noo nito.
Kaagad ko namang kinuha ang bulaklak. Rinig na rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko sa galak. Possible palang sa sobrang galak na nararamdaman ay masakit ang pakiramdam sa puso? Nahihirapan na nga akong huminga dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.
Nakakatakot. Nakakatakot na baka masanay na naman akong ganito, na narito sya tapos ay bigla nya nalang akong iiwasang muli.
"Salamat" nahihiya kong ani. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo saaking mukha.
"You're blushing. You're so pretty" he said and I divert my gaze since I was so shy to face him.
"Uh, di mo naman ako kailangang bigyan ng bulaklak" sambit ko.
"Nanliligaw ako at natural lang iyon, Van." Aniya at ngumiting muli.
"Okay lang sakin kahit hindi" sambit ko
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. "Hindi mo gusto ang ginawa ko?" Mahina pero puro ng lungkot ang boses nito.
"Gusto ko. N-Nahihiya lang ako" pag-amin ko
Narinig ko ang marahan nyang pag-tawa. "Damn, you're really different among them. And I'm scared that your uniqueness was the reason why I like you." Aniya.
Kumurap ako. "Huh?" Nasabi ko lamang dahil nalilito ako sa sinabi nya.
"Nothing. Pwede naman tayong kumain sa labas mamaya hindi ba?" Aniya
"Uh, p-pwede. Pero may pupuntahan pa ako" sambit ko
"Hmn. Can I come then?"
"Okay sige. Bahala ka." Sambit ko at ngumiti na.
Sabay kaming napalinggon ni Darius sa tumikhim. Kaagad akong nahiya nang makitang si ma'am Luisa iyon. Nakangiti itong nakatinggin saamin.
"Pinopormahan mo pala si Vanna, ha Darius?" Tanong nito. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...