Chapter 21: Torture

1.5K 24 3
                                    

TBW21: TORTURE

Alas tres y media ng umaga ay nagising na ako sa pagkaka idlip ko. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil siguro hindi naman ako pamilyar sa kwartong ito.

"Ang aga mong nagising, hija" muntikan na akong mapasigaw sa gulat nang lumabas ng banyo si Nanay Susan sya iyong namumuno rito sa bahay.

Anito ay sya ang nagpalaki kay Darius, gusto ko mang magtanong tungkol kay Darius ay hindi ko ginawa dahil pakiramdam ko ay wala naman akong karapatang magtanong.

"Ah, medyo naninibago lang po" sagot ko.

"Halika sa labas" anito at saka nauna ng lumabas ng quarters maid, gaya ng sabi nya ay sumunod nga ako rito patungo sa kusina.

Nagtimpla ito ng kape para saaming dalawa at saka naglagay ng tinapay sa toaster.

"Ikaw na ang sumama saakin mamalengke mamaya" aniya at mabilis naman akong tumango.

"Ang ganda mo hija, may lahi ka ba?" Tanong nya saakin matapos ilapag ang tinapay sa mesa.

"British po ang tatay ko" sagot ko at mukhang hindi naman ito nagulat sa sinagot ko.

"Bakit ka nangangatulong rito kung ganon? " mausisa nitong tanong saakin.

"Hindi ko po nakilala ang tatay ko" sagot ko tumango lamang ito at hindi na nagtanong pa.

Matapos kumain ay pinag-ayos na nya ako para mamalengke.

Naghahanda na rin ang ilang kasambahay para sa pagkain ni Darius ng agahan.

Akala ko ay sa palengke kami mamimili pero nagkamali ako dahil sa isang supermarket kami nagpunta. Hindi yata ako masasanay sa laki ng estado nya sa buhay.

Nalulula ako sa bawat presyo ng pagkain naming binibili. Halos doble ang presyo rito kumpara sa palengke na pwede mo pang tawaran.

Alas syete na kami natapos mamili ni nanay Susan.

"Tulungan mo sila Fernan ipasok to" aniya pagkalabas namin ng sasakyan.

Binitbit ko ang ilang pinamili papasok sa loob, muntikan kong mabitawan ang pinamili sa gulat nang sumulpot sya sa may pintuan. Nakasuot ito ng itim na long sleeve na nakatupi hanggang siko tinernohan ng faded pants, maayos ang pagkakahagod ng buhok nito at amoy na amoy ko ang pabango nito dahilan para mapasinghap ako sa harapan nya.

Nakataas ang kilay nito saakin kaya napa-iwas ako ng tinggin. Gumilid ako para makapasok sa loob hindi ko alam kung nadismaya ba ako dahil ineexpect ko na haharangin nya ako pero hindi. Lihim akong natawa nang naisip ko pa ang bagay na iyon. Ambisyosa!

"Nay Susan" tawag nito kay Nanay Susan. Lumapit ang ginang at tila may sinabi si Darius rito dahil nakita ko ang sandaling pagtinggin saakin ni nanay Susan bago tumango , ako kaya ang pinah-uusapan nila? Ano naman kaya iyon?

"I'm not going home today, I'll be back tomorrow" anito sa malakas na boses bago lumabas, iyon na ang huling beses ko syang nakita sa maghapong ito.

Narito ang ilang katulong sa quarters maid dahil hapon na rin at wala naman ng ganong gagawin.

"May bago ng toka ang paglilinis nyo" ani nanay Susan pagkapasok sa kwarto.

Hindi ako umapila nang sinabi nya na sa buong second floor ako nakatoka at kabilang sa aking lilinisan ang kwarto ni Darius. Napabuntong hininga na lamang ako dahil akala ko sa laki ng bahay nya ay hindi magtatagpo ang landas namin pero sobrang imposible ng iniisip ko dahil mukhang lalo lang lumiliit ang gagalawan naming dalawa. Hindi naman kasi ako dapat ng magpa-apekto dahil halata naman na hindi nya ako gusto.

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon