TBW8:
"Umuwi ka agad Vanna." Malamig na sambit ni nanay. Nakatinggin ako sakanya at ganoon rin sya.
"M-May problema po ba?" Tanong ko rito. Dahil dati rati naman ay okay lang sakanya na gabihin ako.
"Wala pa naman sa ngayon. Magkakaproblema lang kung susuwayin mo ako, Vanna." Anito at bakas sa boses nito ang pagbabanta.
Hindi ako kumibo kahit na hindi ko malaman ang pinupunto nya.
"Aalis na ako, isasama ko si Sandy." Ani nanay at nauna ng umalis
Nang matapos sa pag-aayos ay isinukbit ko na ang bag ko at saka lumabas ng bahay at isinara iyon.
"Vanna!" Boses kaagad ni Alice ang una kong narinig sa mansyon. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa mansyon pero sinalubong na ako nito. Malawak ang ngiti nito habang tumatakbo palapit saakin.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
Inangkla nito ang braso saakin. Nakita ko si Darius sa pwesto nito madalas, nakapamulsa ito at nakatitig saakin. Mukhang balak nitong lumapit pero naunahan ni Alice.
"Kinikilig ako, Vanna. Iyong boyfriend ko kasi" anito at tumawa. Hinitak na ako nito papasok ng mansyon at tangi ko na lamang nagawa ay sundan ng tinggin si Darius hanggang sa tuluyang makapasok sa loob.
"Chismis na naman, Alice? Mahtrabaho muna kayo. Kay aga-aga pa." Asik ng mayordoma kay Alice.
"Mamaya na iyang ikukwento mo Alice. Makikinig ako mamaya" sabi ko at ngumiti. Nagpalit na ako ng damit at saka ginawa ang trabaho.
"Psssst." I looked around to find who it was and in the corner of a hallway, I saw Darius. When our eyes met he smile and walk towards my place.
"Good morning" he greeted me.
"Good morning din." Ngumiti ako sakanya.
May kinuha ito sa bulsa nito at saka iyon ipinakita saakin.
"Hindi ko naibigay sayo kahapon. Nagmamadali ka kasing umuwi" anito at tumawa. Nakatitig lamang ako sa maliit na kahon na hawak nito. Iniabot nya iyon saakin pero nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba iyon.
Naramdaman yata ni Darius na hindi ako sigurado kung tatanggapin ko ba 'yon dahil binuksan na nito ang maliit na kahon.
"I guess it's pretty when you wear it" aniya at kaagad ay napaawang ang labi ko ng makita kung ano iyon. Isang kwintas na may maliit na pendant na infinity.
"D-Darius" agap ko dahil kinuha na nito 'yon sa kahon at saka ipinakita ng buo saaking harapan.
"Hold your hair, isusuot ko sayo" anito at humakbang palapit.
Para akong na estatwa, ni hindi ako kumilos para sundin sya. Narinig ko lamang ang buntong hininga nito. Lumapit sya at isinuot iyon saakin. Naramdaman ko nalang ang malamig na bagay na dumampi saaking leeg nang iangat nya ang aking buhok matapos isuot ang kwintas.
"I knew it. It's pretty on you" anito at ngumiti samantalang ako ay pinoproseso parin ang nangyari.
"M-mahal ito Darius. Bakit mo ako binibigyan nito?" Tanong ko rito.
He just smiled. "Why? Ayaw mo ba?" Aniya.
Kaagad akong umiling. "Pero mahal ito hindi ba? Bakit mo ako binigyan ng ganito?" Tanong ko at saka hinawakan ang pendant na iyon.
"Hindi naman sobrang mahal, Van. Wear it everyday okay" aniya at ngumiti.
"P-pero---"
"Don't you like it?" Tanong nito at bakas sa boses ang pagkadismaya. Tinitigan ko sya at saka ibinaba ang tinggin sa pendant. "I like it" sambit ko.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...