TBW16
Malalakas na sigawan ang naabutan ko nang umuwi ako. Nagkakagulo ang nga kapitbahay namin at nagsisigawan.
Tumakbo ako papasok sa bahay namin para hanapin ang mga kapatid ko pero naabutan ko silang nag iimpake ng gamit."Ate" hikbi ng kapatid kong si Sandy.
"Ate, pinapaalis na tayo" hikbi nito sabay yakap saakin.
Napapikit ako ng mariin. Hindi pa rin pala tapos ang paghihirap namin. Hindi ko na alam kung paano ako babangon ulit. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pagod na pagod na ako pero hindi ko magawang magpahinga man lang.
"Dito lang kayo" sabi ko at saka lumabas ng bahay para alamin ang nagaganap sa labas.
"Bakit paalisin kami ngayon? Mayroon pa kaming higit isang linggo ah!" Sigaw ng lalaki.
"Ipinapaalala ko lang. Isang linggo mula ngayon ay aalis na kayo dito. Mukhang wala kayong balak umalis ah!" Angil ng abugado.
"Kung sana'y may pera kami edi umalis na kami ngayon din" asik ng ginang.
"Aalis na ako. Ipinaalala ko lang naman iyon. Magandang gabi" ani ng abugado. Tumalikod na ito at nagsimulanh maglakad.
Huminto ito saaking harapan at saka ako tinitigan marahan itong umiling at pumalatak bago ako nilagpasan.
Nakatanggap ako ng tawag kay nanay nang gabi ding iyon. Nagmamadali akong pumunta ng hospital para alamin ang nangyari.
"Nay"
"Jusko, Vanna. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pag di pa naoperahan si Anton ay mahiging baldado ito" naiiyak na ani nanay.
Wala kaming magawa. Hindi ko na nga masabi sakanya ang tungkol sa lupa.
"Nay, ginagawan ko naman ng paraan" sagot ko
"Hindi naman sapat iyon." Ani nanay at saka ako tinalikuran.
"Saan ka pupunta nay?" Tanong ko
"Maghahanap ako ng pera. Dito ka lang at bantayan si Anton. Babalik ako kaagad" aniya at saka naglakad palayo. Tinawag ko sya pero hindi nya ako nilinggon.
Naawa ako sa kapatid ko dahil nagtitiis pa sya hanggang ngayon. Dapat ay maoperahan na sya pero hindi masimulan dahil wala naman kaming pambayad.
"Asan nanay mo?" Tanong ni tita Nancy bitbit ang plastik na naglalaman ng pagkain.
"Umalis po. Naghanap ng pera" sagot ko
Iniabot nito saakin ang supot. Inayos ko iyon at inilagay sa paper plate.
"Saan naman 'yon hahanap?" Tanong ni tita. Hindi ako sumagot dahil ako man ay hindi ko alam kung saan pumunta si nanay.
Pumalatak si tita at saka bumuntong hininga. "May pagkamalas yata kayo, Vanna ah. Ang suki nyo sa hospital" ani tita.
"Tita" pagtawag ko sakanya.
I sighed. "Gusto ko pong magtrababo sa club, tita" tiim bagang kong ani.
Ayoko nito. Ayoko ng ganito pero gagawin ko.
Umaliwalas ang mukha ni tita "seryoso ka ba? Sure na?" Aniya. Tumango ako kahit labag iyon sa loob ko
"Susmiyo! Buti naman naisipan mo din. Kung dati mo pa yan naisipan edi baka mayaman ka na" aniya at tumawa pa.
"Next week simula mo. Ako na bahala sayo"
"Tita, kailangan ko ng pera sa lalong madaling panahon" sabi ko
"Oh ngayon nagmamadali ka? Oh sya sige. Tatawagan kita bukas kung pwede" aniya
Tumango na lamang ako at tahimik na nagdarasal na sana ay hindi na ako umabot sa ganoon.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...