TBW4: Fall hard
----
"KUMAIN ka na ba?" Bungad saakin ni Darius.
"Oo. " tipid akong sumagot. Nag-iwas ako ng tinggin sakanya
"Pasok na ako sa loob. Marami pa akong gagawin e" ani ko at saka tumalikod.
"Vanna." He called my name but I didn't bother to look at him again.
"Vanna, samahan mo nga ako mamalengke!" Sambit ni Alice, hawak-hawak nito ang mahabang listahan.
"S-Sige."
Gaya ng sabi ni Alice ay sumama ako para mamalengke. Sobrang daming dapat bilhin dahil naubos ang stock sa bahay.
"Magkano sa patatas, manong?" Tanong ni Alice sa tindero.
"Sampu isa." Sagot ng lalaki.
"Mahal naman. Otso na lang isa."
"Ay hindi pwede. Sagad na ang sampu." Sagot ng lalaki rito.
Naiinis na nilapitan ako ni Alice.
"Hay nako. Ang mahal ng bilihin dito." Aniya"Mura na iyong sampu." Sagot ko sakanya.
"Ay hindi. Dapat tumatawad para makamura. Ikaw nga ang tumawad baka ibigay sayo ng otso." Aniya
"Ha? Eh baka di rin yon pumayag. Ayaw ka ngang patawarin e, edi ako din hindi nya papatawarin" sambit ko
"Try mo lang." Anito at tinulak ako pabalik sa tindahan.
"Magkano po sa patatas?" Tanong ko sa tindero. Tuminggin ito saakin at ngumiti.
"Ilan ba bibilin mo?ganda?" Tanong nito at ngumisi. Ngumiti rin ako kahit ang totoo ay kinikilabutan sa paraan ng pagtitig nito saakin.
"Sampu piraso po." Sagot ko..
"Isang daang piso talaga e, seventy pesos nalang sayo." Anito at kumindat pa.
"Ay, salamat po." Ngumiti ako ay nagbayad. Bumalik ako kay Alice, nakangisi ito saakin.
"Tanginang matanda yon, pag maganda nakakatawad ah" anito sa naiinis na tono.
"Halika na nga at bumili na tayo ng iba pa." Sabi ko at tumango naman ito..
"Dami nating natawad ah." Anito habang binibilang ang sobra sa pera.
"Saatin na to." Ngumisi si Alice at saka ipinakita saakin ang dalawang daang sobra.
"Ha? Seryoso ka?" Tanong ko
"Ay oo, mabait si madam kaya pag may namamalengke iyong sobra sa pera ay ibinibigay na nya saamin. Depende sa dami ng matatawad namin." Anito at ngumiti.
"Gusto mo bumili ng make-up?" Tanong nito saakin nang mahinto kami sa tindahan ng mga mumurahing make-up.
"Wag na, sayang naman iyong per--"
"Anong sayang? Gagamitin mo naman e. Magpaganda ka naman minsan, okay, given na iyong maganda ka. Ibig ko sabihin para mas gumanda ka pa para mas madami tayong matawad sa susunod." Humagikgik pa ito habang namimili ng mga kolorete.
"Ay bet! Bagay sayo red lipstick." Aniya at saka ipinakita saakin.
"Tag-isa tayo, foundation din bili tayo" hinayaan ko lamang mamili ng make-up si Alice.
"Ang tagal nyo ah." Komento ni miss Luz
"Ay pasensya na po. " ngumiti kami pareho ni Alice sa ginang.
"Ano iyang dala-dala nyo?" Tanong nito at itinuro ang supot na naglalaman ng make-up.
Mula sa kusina ay nakita kong lumabas roon si Darius, may dala-dala itong baso na may lamang tubig. Tuminggin ito saakin.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...