Ang kabang aking nararamdaman ay naglaho nang makarinig ako ng takbo ng papalapit na kabayo. Sabay kaming napalinggon ni Darius sa lalaking sakay sakay si Hercules.
"You know that he doesn't like you so why did you ride him?" Masungit na ani Abram.
Darius smirk and stood up. "You trained him to hate me asshole" anito at saka marahang tumawa.
"Sakin ka na sumakay Vanna kung ayaw mo pang mamatay" deretsong sabi ni Abram.
Mabilis naman akong tumango dahil alam ko na higit nga syang mahusay kaysa kay Darius. At isa pa ayoko pang mamatay.
Iniabot ni Abram ang lubid ni Thunder kay Darius. "Masama ang tama mo sa ulo ah, mamamatay ka na ba?" Tanong ni Abram dito.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa dalawang to at ganito na lamang kung mag-away.
"Idiot. I won't die just because of this" sagot ni Darius at saka lumapit kay Thunder.
"Kaya mo ba?" Tanong ko kay Darius dahil sa tinggin ko ay hindi pa sya dapat sumakay ng kabayo.
"Yeah, let's go" anito at saka inilahad ang kamay sakin.
"You wanna kill her don't you?" sambit ni Abram at saka bumaba ng kabayo para lapitan ako.
"Abram!" Ramdam ko ang inis sa boses ni Darius sa pagtawag nya kay Abram
Napatili ako sa gulat nang bigla akong binuhat ni Abram pasakay kay Hercules.
"Abram!" Malakas na sigaw ni Darius nang kumaripas na ng takbo si Hercules.
"Si Darius baka di nya kaya---"
"Hindi ang pagkabagok ang papatay sakanya huwag kang mag-alala" anito
Hindi ko makita si Darius dahil nasa harapan ako ni Abram pero naring ko ang mga yapak ni Thunder mula saaking likuran kaya't nakampante na ako.
Nakarating kami sa bahay at di rin nagtagal ay nakarating na rin si Darius
"Dumbass!" Asik ni Darius pagkababa sa kabayo
"Maryosep! Anong nangyari?" Tanong ni Nay Cora
"Nahulog po kami sa kabayo---"
"Fedring!, Pumunta ka sa bayan at sunduin mo si Andrea.." hindi ko na naring pa ang huling sinabi ni Nay Cora dahil habang nagsasalita ay tumatakbo na ito palapit kay tatay Fedring.
"Ikaw na bata ka, alam mo namang ayaw sayo ni Hercules sinakyan mo pa! Dinamay mo pa si Vanna" ani nay Cora.
Ilang minutong pangangaral ni Nay Cora kay Darius ay nakarinig kami ng boses mula sa labas.
"Nay Cora.." boses iyon ng babae
"Hoy Abram papasukin mo si Andrea dalian mo" anito kaagad namang sumunod si Abram
Napako ang tinggin ko sa babaeng kapapasok lang sa bahay. Ang ganda nya iyon agad ang pumasok sa aking isipan
Nakasuot ito ng kulay puting damit at palda. Sa palagay ko ay nurse ito. Ngumiti ito bago lumapit sa pwesto namin"Narito ka di mo man lang sinabi. Kung di ka pa yata nabagok hindi tayo magkikita hahaha" aning babae at saka tumawa.
"Ano?mamatay na ba?" Hagikgik noting muli bago ibinaba ang dalang puting attache case na may krus sa mesa
"You know that I won't die with this" Darius said
"Englishero parin pala to"
"Shut up, Andrea! Just cure me" sagot ni Darius sa babae.
Pakiramdam ko ay matagal ng magkakilala ang dalawa base sa pag-uusap nila ni Darius
"You know that I won't cure you unless you call me---" Darius didn't let her to finish her words
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...