TBW17
Nanginginig ang aking tuhod sa kaba habang tinititigan ang malamig na ekspresyon ng kanyang mga mata.
Marahan akong napaatras nang lumapit sya saakin. Napalunok ako sa kaba nang gaga hibla na lamang ang layo nya saakin.
Suminghap ito at saka tumingala. Nakatitig lamang ako sakanya at pilit pinipigura ang nangyayari sa aking isipan. Marahan akong bumuo ng katanungan saaking isipan
Sino ka ba talaga, Darius?
"Hindi ko alam na kaya mong umabot sa ganito, Vanna. Nakakadiri ka" aniya sa mariing boses.
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Tila ba mayroong nakabara saaking lalamunan na sa tuwing susubukan ko ay hindi ko naman din magawa. Para akong isinumpa na manahimik lamang, na manatili lamang, na makinig sa masasakit nyang sumbat at salita. Hindi ko alam na kaya ko palang tanggapin at pakinggan ang mga sinasabi nya saakin. Hindi ko alam na ang mga salitang matagal kong iniwasan ay sakanya ko mismo maririnig. Sakanya na handa kong iaalay ang lahat.
"I thought you were different but... damn, you're not that unique.. you're much lower than them, you're a slut" he whispered.
Gusto kong parangalan ang sarili ko dahil hindi tumulo ang aking luha. Nanatili ako sa posisyon ko hanggang sa naramdaman ko ang mainit nyang palad saaking beywang.
Marahan nyang piniga ang aking tagliran at inilapit ang kanyang bibig saaking tenga. "Show yourself, Vanna. Show how wild you're despite of your pretty and innocent face" he said and kissed my ear.
Napasinghap ako sa ginawa nyang iyon. Gusto kong magalit pero iba ang gustong mangyari ng aking katawan dahil pakiramdam ko ay bibigay ako ano mang oras nya gustuhin.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang daliri nya na gumapang saaking balikat at marahang ibinaba ang manipis na strap ng aking damit. Para akong poste na nakatayo lamang sa harapan nya. Hindi ako makagalaw dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatang kumilos.
"You played so well, Van. Hindi ako makapaniwala na napikot mo ako" aniya bago dinampian ng halik ang aking balikat.
Hindi ko maintindihan kung saan nagmumula ang kanyang galit. Hindi ko alam ang dahilan ng ikinagagalit nya. Hindi ko magawang magtanong dahil takot ako, natatakot ako na malaman ang kanyang rason. Natatakot ako.
Mariin akong napakapit sa kanyang damit nang maramdaman ko ang kanyang palad saaking hita. Nagtama ang paningin naming dalawa. Tinitigan nya ako at saka tinaasan ng kilay. Napakurap ako at mabilis na inalis ang pagkakahawak sakanyang polo. Pakiramdam ko ay ayaw nyang magusot ko iyon. Muntikan na akong mapasigaw ng siniil nya ako ng halik. Naramdaman kong itinaas nya ang aking braso at ipinatong iyon sa kanyang balikat. I was so stiff, hindi ko alam ang gagawin ko.
Naramdaman ko ang marahan nyang pagkagat saaking labi. Nang ihiwalay nya ang labi nya saakin ay nag-iwas ako ng tinggin. Hindi ko na magawang tignan ang kanyang mga mata dahil pakiramdam ko ay nahihipnotismo ako ng mga titig nyang iyon.
"You still don't know how to kiss or you're playing dumb again?" Aniya dahilan para titigan ko sya.
Nakataas ang makapal nitong kilay. Gusto kong purihin ang angkin nyang kagwapuhan kahit na masungit ang dating ng tinggin nya saakin.
"I can't believe it, I fell with a woman like you" sarkastiko nitong sabi.
Nakatitig ako sakanyang mukha. Nakatinggin ito sa gawing kaliwa at ang kanyang kanang kamay ay nakasandal sa pader na nasa aking gilid.
Ibang-iba ang dating nya ngayon. Ibang-iba sa nakakasama kong Darius noon.
Nang tuminggin syang muli saakin ay mabilis kong iniwas ang aking tinggin dahil sa puntong ito ay naramdaman ko na ang hapdi saaking puso. Namumuo ang luha saaking mga mata, bagay na ayaw kong makita nya.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomansaSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...