Masakit ang ulo ko nang magising ako, nasobrahan yata ako sa pag-iyak kagabi.
"Gisingin mo na si Van, anak nagluto ako ng breakfast" dinig kong ani tita Cora
"Hayaan muna natin sya ma, baka pagod pa" ani Kenjie
Mabilis ko namang inayos ang aking sarili.
"Oh, hija halika kumain na tayo" ani tita Cora. Tumango ako at ngumiti. "Maghihilamos lang po ako" sambit ko bago pumasok sa banyo para ayusin ang sarili.
"Anong oras ka pupunta sa bahay nyo, hija?" Tanong ni tita Cora sa kalagitnaan ng umagahan
"Pagka-kain ko po ngayon tita pupuntahan ko na sila" sagot ko
"Okay ka na ba?" Tanong nito saakin. Parang may humaplos sa aking puso sa tinuran nyang salita.
"Okay na po ako, salamat po" sambit ko at ngumiti ng malawak.
Matapos kumain ay inayos ko na ang aking sarili at gamit
"Hatid na muna kita bago ako pumasok sa trabaho" ani Kenjie
"Kaya ko na, baka ma-late ka pa" sagot ko dahil baka naabala ko na sila ng husto
"Maaga pa naman, tara na" sumakay na rin ako ng tricycle kasama nya.
"Pasensya ka na kagabi" nahihiya kong ani nang maalala ang nangyari kagabi. Kung humagulgol kasi ako sakanya kagabi para akong bata nahihiya ako dahil kung aluin nya ako ay para bang nag aalo sya ng isang batang naagawan ng candy
"Hahaha okay lang, huwag mo nalang ulitin" aniya at tumawa
"Grabe ka naman" I pouted
"Ibig kong sabihin ay huwag ka ng umiyak ng dahil sa lalaking iyon."
"Ayaw ko na rin nga e. Kaso, hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko"
"Magkano ba ang lahat ng utang mo sa lalaking yon?" Tanong nya na puno ng sinseridad
"Hahaha bakit babayaran mo ba?" Pangloloko ko sakanya
"Pag-iipunan ko" aniya dahilan para saglit akong matulala.
I smiled secretly, he's a good hearted person nagtataka ako sa sarili ko kung bakit pinakawalan ko pa ang gaya nya, kung bakit ba kasi nakilala ko pa si Darius... sana hindi nalang..
"Hindi mo nga ako mailibre ng siopao at lomi tas babayaran mo utang ko?" Natatawa kong ani. Naalala ko lang noong mga panahon na nag-aaral pa kami pareho sa high school.
"Dati yon, may trabaho na ako ngayon at kaya na nga kitang buhayin" aniya sa seryosong tinig
Hindi nalang ako kumibo sa sinabi nya dahil hindi ko na rin naman alam ang dapat isagot sakanya.
Bumaba na ako sa tricycle at naiwan sya sa loob.
"Sige na, mauna na ako. Salamat" sabi ko sakanya at kumaway
"Text mo ako kapag pauwi ka na ha" aniya tumango ako bilang tugon.
Inantay ko munang umalis ang tricycle bago ako pumasok sa eskinita papunta sa aming bahay
"Ateeee" isang sigaw ang narinig ko mula sa kapatid kong si Sandra. Tumakbo ako at niyakap ito ng mahigpit
"Ate, kagabi ka pa namin inaantay" si Hanna na kalalabas lang ng pintuan.
Nagtataka ako, paano naman nila nalaman na uuwi ako?
"Tara sa loob" pagyaya ko sakanila papasok sa loob.
Nagulat ako nang makita si Alice na naroon sa loob ng aming bahay. Ngumiti ito saakin at kumindat
"Bruha ka! Bat ngayon ka lang?!" Salubong nya saakin
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...