Chapter 27: Fall again

1.4K 25 3
                                    

Pinanood kong mamitas ng mga bunga ng mangga si Darius. Hindi ko alam na ang gaya nya ay mahilig pala sa mga ganitong gawain. Tumulong din itong buhatin ang mga basket ng manga papunta sa truck na nakaparada roon.

Maganda ang panahon ngayon, hindi masyadong mainit at malakas din ang hangin. Siguro'y dahil sa dami ng mga puno rito.

Napatinggin ako sa palapit na si Abram. Isinabit nito ang suot na sumbrero sa sanga ng mangga bago naupo sa aking tabi.

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ko nang makita ang pawis sa mga braso nito.

Tumango ito bilang sagot kaya naman ipinagsalin ko sya ng tubig na nasa aking tabi at saka iyon inabot sakanya.

"Do you like him?" Biglang tanong nya pagka-kuha ng baso sa aking kamay.

"Ha? Hindi" sagot ko kaagad. I saw him smirk as he placed the glass of water on his side.

"Mahal mo sya kung ganon?" Tanong nya at saka ako tinignan na para bang hindi sya naniwala sa sinabi ko.

Nailang ako sa titig nya kaya nag-iwas ako ng tinggin.

"Hindi rin" sagot ko

"Bakit di ka makatinggin saakin? Natatakot ka bang malaman ko na nagsisinungaling ka lang--"

Kaagad ay humarap ako sakanya at sinalubong ang titig nya, napatigil ito sa pagsasalita at nakita ko ang pag-ngisi nya saakin.

"Hindi" sagot kong muli.

Tinaasa nya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin sya ng kilay. Tumawa ito ng marahan at saka inilapit ang mukha saakin na para bang pilit inaalam kung nagsasabi ako ng totoo. Kahit gusto kong umiwas ng tinggin ay hindi ko ginawa.

Kaagad nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang mabilis na hanggin na nagdaan sa pagitan namin ni Abram kasabay non ang pagkawarak ng isang bunga ng mangga sa pagtama nito sa katawan ng mangga.

Napalinggon ako sa nagbalibag ng mangga, si Darius iyon at madilim ang awra nito dahilan para makaramdam ako ng kaba.

"Such a waste" narinig kong sabi ni Abram habang nakatinggin sa manggang ibinato ni Darius kanina. Tumayo na ito at kinuha ang nakasabit nyang sumbrero at naglakad palayo sa pwesto ko.

"T-Tubig?" Nauutal kong tanong. Hindi ito sumagot, nanatiling nakatayo sa aking harapan. Tumayo rin ako para ipagsalin sya ng tubig.

Iniabot ko ang baso ng tubig sakanya. Nang tignan nya ako ay napa-iwas akong tinggin dahil hindi ko magawang salubungin ang madilim nyang titig. Galit sya, iyon ang alam ko matapos makita ang nakaigting nitong panga.

Naramdaman ko ang pag-abot nya ng tubig saaking kamay.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong nya saakin, nilinggon ko sya at sumagot.

"Huh? Maaga pa" sambit ko

"Hindi, sa Manila ang ibig kong sabihin" aniya

Sa totoo lang ay ayoko pang bumalik sa Manila dahil alam kong ako ang laman ng chismis sa mansyon nya.

"May 3 days pa tayo bago umuwi diba? " ani ko

Kaagad kong dinugtungan ang sinabi ko dahil pakiramdam ko ay bakas sa sinabi ko na ayoko pang umuwi.

"P-pero kung gusto mong umuwi, sige" sabi ko

Pinagmasdan ko sya habang nilalagok nya ang tubig sa baso. Hindi ko akalain na ang panoorin syang uminom ng tubig ay maganda palang pagmasdan. Iniabot nya ang baso saakin at saka umalis sa harapan ko at bumalik na sa pagbubuhat ng basket doon.

Napakagat ako ng labi ng makita ang wasak na mangga na ibinato nya kanina. Paano kung tinamaan ako? Paniguradong masakit iyon.

Naupo akong muli sa ilalim ng puno ng mangga habang tinatanaw sila sa pamimitas ng mangga

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon