Alas sais y media nang katukin ako ni Darius sa aking kwarto. Nagulay pa ako nang pagbukas ko ng pinto ay sya ang bumungad saakin.
"Good morning" bungad nya saakin. Lihim akong napangiti sa pagbati nito sakin.
"Magandang umaga rin po"
He scoffed. "Cut the 'po', we are good already right?" Tanong nya. Ngumiti naman ako at tumango.
"Let's have a breakfast first bago tayo umalis" aniya saakin.
Sumunod nalang ako sakanya papuntang kusina. Uuwi na kami ng Manila mamaya, at di ko mapigilan ang sayang nadarama ko dahil maayos na kami ni Darius. He told me last night that he will have me back. I wanted to refuse but I know that if I did that, I will only hurting myself. Mabuti nga pumayag sya na huwag munang madaliin ang lahat.
Ito yata ang karupukan na sinasabi nila. Sana this time, okay na ang lahat. Ayoko ng umiyak ng dahil sa katangahan ko.
"Hija, nakatulog ka ba ng maayos?" Bungad saakin ni Nanay Cora
"Opo"
"Akala ko hindi e, maingay kagabi alas dos na natapos ang kasiyahan. Maaga kang natulog? Hinanap kita kagabi wala ka"
Nahihiya akong tumango, sa totoo lang ay kaya hindi ako nakita ni Nanay Cora kagabi ay dahil nasa balcony kami ni Darius kagabi.
"Kain na" ani Nanay. Naupo na ako sa upuang naroon, hindi ko inaasahan na tatabi saakin so Darius.
"Si Abram po?" Tanong ko dahil mukhang hindi namin sya makakasabay kumain.
"Maagang umalis, mamimitas raw Ng mangga para may maiuwi kayo sa Manila" aniya.
Tumango ako bilang sagot.
"Anong oras kayo aalis hijo?"
"Pagka kain po ay gagayak na kami at aalis. " Sagot ni Darius
"Ganon ba? O sya sige magluluto ako ng meryenda para may mabaon kayo, sakaling magutom kayo sa byahe"
"Salamat po, nay" sambit ko at nagsimula ng kumain.
Matapos kumain ng almusal ay bumalik na ako sa kwarto para maligo at ayusing ang sarili. Mabuti at naayos ko na ang gamit ko kagabi, wala na akong aayusin pa. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng bag ko. Ilang araw ko rin pala iyong hindi nabuksan. Ilang mensahe ang natanggap ko mula kay Nanay at Kenjie
Nanay
Vanna, kailan ka uuwi?Nanay
Sa bahay ka dumeretso pag-uwi mo.Nagtipa ako ng mensahe para kay Nanay, sasabihin ko sana na uuwi na kami ngayon pero wala na pala akong balance. Binasa ko rin ang mensahe ni Kenjie
Kenjie
Wala ka pala sa Manila?Kenjie
Kelan ka uuwi?Kenjie
Vanna? Uy, VannaIsinuksok ko na muli sa bag ang cellphone ko at dumeretso na ako sa banyo para maligo.
Bakit kaya sa bahay ako pinapa-deretso ni Nanay e alam naman nyang hindi ako pwedeng umuwi kung gusto ko lang. Maayos naman na kami ni Darius siguro naman ay papayagan nya ako na magpakita man lang sa pamilya ko. Namiss ko rin sila, makabili man lang sana ng pasalubong para sakanila.
Nagsuot ako ng faded maong pants at saka ko lang tinambalan ng t-shirt, ginamit ko ang blower na naroon para mabilis matuyo ang buhok ko, matapos ay nag-pony tail ako ng buhok.
Bitbit ang bag ay lumabas na ako sa kwarto. Eksakto naman na paakyat si Darius sa hagdan. Tumuloy ito sa paglalakad palapit sakin
"Akala ko matagal ka pa e" anito, mukhang balak na puntahan na ako kung di lang ako lumabas.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomantizmSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...