Mabilis akong umalis sa unit niya, I didn't hear anything when I leave.
Matapos ng aming pag-uusap kanina ay nanatili lang ako sa sofa at nakatulala sakanya. Bigla lang akong tumayo at saka siya iniwan ron. Nakayapak lamang akong nakarating sa unit ko.
Nakita ko ang sarili ko sa salamin, magulo ang aking buhok at namumula ang mga mata sa pag-iyak. Hindi rin maayos ang pagkakabutones ng aking damit.
"I looked like a mess" I murmured as I wash my face on the sink.
Parang mabilis na nagflash back sa utak ko iyong napag-usapan namin kanina ni Darius. Sa mga oras na ito ay hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko.
Matapos maghilamos ay pabalibag kong inihiga ang sarili sa kama. Masakit ang ulo ko sa alak at sa pag-iyak. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.
Alas nueve na ng magising ako. Sapo ang ulo sa sakit akong nagtungo sa banyo. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagluto muna ako ng instant noodles. Kinuha ko iyong cellphone ko para sana itext si Alice na malalate ako pero lowbat pala iyon. Kinuha ko muna ang charger at saka isinaksak ang cellphone.
Pagkakain ay ininom ko na iyong gamot na nireseta sakin ng OB ko. Kaagad na rin akong nagtungo sa banyo para maligo at nag-ayos ng sarili.
I cursed while washing my body with soap. The nostalgia of me and Darius on the bed on his sofa haunt me. Hindi ako makapaniwala na mabilis ko nalang ibinibigay ang sarili sakanya. It happened not just once but almost twice. It almost happened again yesterday! Is it because of alcohol? Come to think of it it happened twice because of alcohol!
Abala sa pagblower ng buhok nang i-on ko iyong cellphone. Nakatanggap kaagad ako ng 28 na missed calls kay Alice kagabi pa
"Huh? Bakit kaya?" Sinuklay ko na ang sarili at saka kinuha ang susi ng kotse at saka lumabas na.
Maingay sa baba ng lobby paglabas ko ng elevator. Naka on iyong TV at tutok silang lahat don.
Ano kayang meron?
Hindi na ako nakiusisa basta ang narinig ko lang sa balita ay marami raw ang namatay sa nagcrush na eroplano.
Nagtungo na ako sa parking lot at hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Darius roon. Taimtim niya akong tinitigan, ang mga mata niya'y nagtatanong. Umiwas ako ng tinggin dahil wala naman akong balak kausapin siya.
Papasok na sana ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Alice
"Vanna!" Anito na kababa lang sa taxi. Mabilis itong tumakbo papunta sa pwesto ko at hingal na hingal akong nilapitan.
Nangigilid ang luha nitong tuminggin sakin. "Bakit ka tumatakbo? Iyong baby mo baka mapano" nag-aalala kong sabi
"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko ha?!" Mabilis na parang galit nitong wika.
Nakita ko ang tinggin saamin ni Darius.
"Sa sasakyan na tayo mag-usap" Sabi ko at igigiya na sana sya papasok sa loob nang biglang nagsalita si Alice na siyang ikinagulat ko.
"Si Ellias" Aniya sa naiiyak na boses. Napakunot ang aking noo "huh? Anong meron kay Ellias?"
Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa nakitang reaksyon kay Alice.
"N-Nag crush iyong eroplanong sinasakyan niya"
Para akong nawala sa katinuan sa narinig. Mabilis akong umiling kahit na patuloy na ang paglandas ng luha saaking pisngi.
"Hindi! Ano ka ba! Naka-uwi na iyon!" Sambit ko
Umiling si Alice. "Hindi, Van. Wala na si Ellias"
"Baliw ka ba? Nagtext pa siya saakin kagabi e. Sabi niya paalis na yung eropla----"
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...