TBW20
"Uuwi ka na?" Tanong saakin ni Tin nang makita nyang nakapagpalit na ako ng damit.
"Oo, si nanay tumawag pinagmamadali akong umuwi." Sabi ko at saka kinuha ang bag na nasa harapan ng salamin.
"Oh? Eh anyare naman kanina? Balita ko may daddy kang kasamang lumabas ng Club ah. Hottie daw, big time ka na agad ah" aniya habang naglalagay ng pulang lipstick sa labi.
Muli kong naalala ang naganap kanina lamang. That brute! Ang sama ng ugali! Matapos ko syang tanungin kanina ay mabilis itong sumakay ng sasakyan at saka umalis. Hindi man lang ako sinagot. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko, hindi ko nga namalayan na nakayanan ko pala syang harapin at kausapin ng matapang e. Ngayon lang yata ako umakto ng ganon at hindi naman nakakapag-sisi. Tama na ang pagiging mangmang ayoko ng maloko!
"Huh? Di ah"
"Sus! Madaming nakakita wag mo ng i-deny. Ambunan mo nalang ako kahit konti kapag kinabet ka non, panigurado mayaman yon" aniya
Kabet? Mistress? Ganoon lang ba ang babae rito? Sabagay, ano nga ba ang dapat asahan? Wala naman hindi ba?
"Grabe ang ganda mo, ang dami agad nahumaling sayo ah. Lugi kami bigla" aniya at saka ako hinarap.
"H-Huh? Hindi naman... waitress lang naman ako"
"Yun nga e, waitress ka lang pero ang daming gustong i-table ka. Nadinig ko madami ang nagpapalista sayo kay Nancy! Malaki pa nga ang offer"
Napakurap ako sa sinabi nyang iyon. Hindi ko alam na ganoon pala.
"Waitress lang naman kasi talaga ang pinunta ko dito, ayokong maging stripper kaya--"
"Maybe now that was your mindset but probably it will change sooner" sabi nito sa Ingles, pinaganda pa ang accent.
Hindi na ako kumibo. Nagpaalam nalang din ako na aalis,tango lamang ang iginanti nito.
Nagmamadali akong lumabas ng club. Sa backstage ako nagdaan para hindi maipit sa dancefloor kung sakali.
Sumakay ako ng tricycle kahit gabi na. Hindi ko naman afford ang taxi, wala akong pera pa.
Sumagi sa isip ko ang naganap kanina lamang. Pagka-alis ni Darius kanina ay pumasok na din ako sa club para sana humingi ng paumanhin kay Sandro. Nadala lang naman ako ng damdamin ko pero hindi ko naman kasi talaga gusto ang nangyari. Pero pagpasok ko ay nagmamadali na rin ang mga itong umuwi. Ang sabi lang sakin ni Sandro ay sa susunod daw ay hindi na nya ako papalampasin. Tapos ilang minuto lang siguro ay kinse minutos lang sy tumawag si nanay at pinagmamadali akong pumunta ng hospital. Kinakabahan ako dahil baka ano ng nangyari kay Anton.
"Heto pa ang bayad" abot ko sa driver ng bayad at saka inantay ang sukli bago nagmamadaling pumasok ng hospital.
Todo pindot ako sa elevator pero hindi bumubukas madami pa ngang nakapila sa labas kaya nag hagdan nalang ako. Hindi rin ako mapapakali pag naiisip ko ang posibleng nangyari kay Anton. Si nanay naman kasi, hindi sinabi kung anong nangyari.
Hinihingal akong kumatok sa kwarto ni Anton. Bumukas iyon at mabilis akong pumasok para tignan ang kalagayan ni Anton.
"Nay, anong nangyari!"
Pagtinggin ko sa kama ay wala na ron si Anton. Takot na takot akong hinarap si nanay pero kaagad ay binalot ako ng pagkalito nang makita si Darius sa tabi ni nanay.
Napakurap ako at hindi nakapagsalita kaagad. Bakit sya narito?
"N-Nay, bakit narito yan?!" Tanong ko sa mataas na boses.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...