Chapter 48: Date me

1.1K 20 0
                                    

Napamulat ako nang maramdaman ang paggalaw sa aking likuran, ramdam ko ang mahigpit na yakap nito saakin.

"D-Darius" pagtawag ko sa pangalan niya.

"Hmnnn" Ani lamang niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap saakin.

Buong pwersa kong inalis iyong kamay niya pero hindi ako nagtagumpay.

Tinampal ko ang braso niya ng paulit-ulit hanggang sa ito na mismo ang nagtanggal non.

Kaagad akong bumangon pero hindi ko inaasahan na wala akong suot kahit ano kaya mabilis kong hinatak ang kumot na nakabalot kay Darius. Kaagad nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na ganoon rin ang lagay ni Darius. Kaagad akong tumalikod at saka pinulot ang damit sa sahig.

"Don't tell me you're shy right now?" He asks and laugh

I rolled my eyes and run fast towards the bathroom. Kaagad kong isinuot ang mga iyon. Inayos ko na rin ang sarili bago lumabas roon.

"Saan ka pupunta huh?" Anito nang harangin ako sa pintuan.

"Uuwi" sagot ko at sinubukan siyang itulak palayo sa pintuan pero bigo ako.

Tinignan lamang ako nito mula ulo hanggang paa at saka pumalatak at umiling. "Nah, hindi ka lalabas ng ganyan ang suot" anito at humalukipkip.

"So?"

Sumadal pa lalo ito sa pintuan at saka ngumiti. "If you think that you own me after what happened nagkaka--"

Isang takas na halik ang ibinigay niya sakin. Kaagad akong napaatras at napatakip sa bibig. "Ano ba?!"

"Let's talk first"

"Wala tayong pag-uusapan" mabilis kong sagot.

"Marami"

"Wala"

"Meron "

"Wala sabi e!" Matigas kong sabi.

"Let's talk how why you're jealous last night" mapanlokong ngisi ang iginawad niya saakin.

"Hindi ako nagseselos!"

"Liar" mahina nitong ani

"Sisigaw ako pag hindi mo ako pinalabas ngayon din!"

"Go on, walang makakarinig sayo. Tayo lang ang tao ngayon dito" Aniya.

"Hindi ako naniniwala! Palabasin mo ako para makita ko"

Narinig ko ang malakas nitong tawa "Really huh?"

"Fine!let's talk!" Pagsuko ko dahil alam kong hindi naman ako mananalo.

"Maupo ka ron" turo ko sa maliit na sofa na naroon.

Umiling ito. "Nah, let's talk here" paninigurado nito na hindi ako tatakas.

"Fine!"

"Now tell me, why you're jealous?" Mapanlokong ngisi nitong tanong.

"I said I am not!"

"Inamin mo na kagabi" Aniya

"Lasing ako non! Wala akong matandaan"

"Uhuh. So hindi ka nagseselos?" Tanong niya

"Hindi sabi!"

"If I date her ayos lang?"

"Oo, wala akong paki kahit pakasalan mo pa si Rai!"

"Hmnn, I didn't mention someone's name here. Akala ko ba wala kang matandaan?" Taas kilay nitong wika

"H-Huh?"

The Bargain WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon