TBW7: SWEET KISSES :)
--
"Kanina ka pa tulala jan, ate. Okay ka lang ba?" Napakurap ako nang kalabitin ako ng kapatid kong si Hanna. Tumango lamang ako at naglakad na papunta sa aking higaan.
Hindi mapawi ang ngiti saaking labi habang inaalala ang masayang pangyayari kanina lamang.
Darius seems so perfect to be true. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na normal lamang ang lahat ng kinikilos ni Darius. Pero ang taksil kong puso ay pilit umaasang may pagtinggin saakin ang lalaking iyon.
Hindi ko din masisi ang sarili ko kung nahuhulog ang loob ko sakanya. He's so thoughtful and kind at higit pa roon ay ang bawat salitang binibigkas nito ay humahaplos saaking puso. Para akong ginayuma dahil sa aking matinding nararamdaman.Lumipas ang isang linggo at habang tumatagal ay ramdam na ramdam ko ang pagkahulog ng loob ko sakanya.
"May gagawin ka bukas?" Tanong ni Darius habang hawak-hawak ang hose at marahang dinidiligan ang mga halaman.
"Meron, bakit?" Tanong ko matapos ibaba ang tray na may lamang isang basong juice at sandwich.
"I wanna be with you" he answered without hesitation.
I smile secretly, here he is together with his sweet words.
"Hmnn, wala kang gagawin bukas?" Tanong ko pabalik, sinusubukang pakalmahin ang naghuhurementado kong puso.
"I'm always free when it comes to you" he said and winked.
"Okay." Sagot ko. Kumunot ang noo nito "anong okay?" Tanong nito
"Okay sige, magkita tayo bukas." Sabi ko at kaagad kong nakita ang pagsilay ng ngiti sakanyang mga labi.
"Great!" Anito di maitago ang sigla sa boses.
"Uh, itetext nalang kita kapag di na ako busy." Sagot ko.
"Wews, di mo nga ako nirereplyan e" anito at marahang pinadausdos ang daliri sa buhok.
Marahan kong kinagat ang aking labi, paano ko naman sya marereplyan e sira nga ang cellphone ko. Kahapon lang binilan ako ng bago ni nanay, nakakatuwa nga dahil nagsimula ng magkaroon ng customers si nanay sa mga perfume na tinitinda nito. Di ko nga inaasahan na bibilan ako ni nanay ng cellphone kahit pa second hand lamang iyon.
"Uh, s-sorry. Antayin mo nalang ang text ko." Sabi ko na lamang.
"Yeah. Ganoon naman talaga e." Anito at tumango.
"Pasok na ako sa loob, may gagawin pa ako e." Ani ko at naglakad na palayo.
Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang pag-ngiti. Nag-aantay sya sa reply ko?
"Nag-aaral ka pala mag-english?" Tanong ni Alice sabay pakita ng libro na hawak nito.
"Uh, oo. Gusto ko kasing matuto kahit di na ako nag-aaral." Sagot ko.
Ibinigay saakin ni Kenjie iyong dalawang libro na iyon: ang una ay about sa grammar tapos iyong isa naman ay english stories tapos mayroon ring maliit na dictionary.
"Ay bet! Maganda yan, beauty and brain" hagikgik ni Alice.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasaaking bulsa, nag-vibrate kasi iyon. Automatikong sumilay ang ngiti saaking labi ng mabasa ang pangalan ni Darius sa screen
Darius:
Sabihin mo saakin kung uuwi ka na.Kaagad akong nagtipa ng sagot sakanya.
Me:
Okay.Sa totoo lang ay buhat ng araw na sinalubong nya ako sa gitna ng malakas na ulan ay mas lalong tumindi ang aking nararamdaman para sakanya. Ayoko ring mag-assume na ganoon rin ang nararamdaman nya para saakin pero hindi rin naman ako manhid para hindi iyon maramdaman. Ganoon pa rin, kinakabahan pa rin ako kapag sya ang kasama ko. Mabilis parin pumintig ang puso ko sa tuwing may sasabihin syang humahaplos saaking puso. Hindi ko nga alam kung normal pa ba itong nararamdaman ko, pakiramdam ko kasi ay abnormal na ang pagtibok ng puso ko kapag sya nag kasama ko.
BINABASA MO ANG
The Bargain Woman
RomanceSi Vanna Marie Sanciangco isang mapagmahal na kapatid at anak ngunit sakabila nito ay isang mahirap na pamumuhay ang kanyang pagdaraanan kung kaya't kahit anong trabaho ay papasukin nya upang may maipakain lamang sa kanyang pamilya. Hanggang sa maki...