✓Chapter 148

85 3 3
                                        

Maureen

The plane arrived at Philippine Airlines in Manila on Thursday, the second week of October. I've been away for a month, but it feels like yesterday. If I could extend without going back, I would. However, despite I wanted it I knew I had to finish all the missions they assigned to me, and that was to go back to Las Piñas.

Nang makababa na ako sa eroplano habang tulak na tulak sa gilid ang nag-iisang maleta kulay puti. Pansin na pansin ko ang mga titig ng mga tao sa'kin habang naglalakad papalabas ng airport. Pasimpleng binabaan ko ng tingin ang suot kong puting croptop sando na merong tatlong butones sa dibdib, na pinatungan ng checkered long sleeve polo na kulay blue. Nakaputing drawstring casual loose pants din ako, at puting airmax na tennis. Mukhang wala naman kakaiba sa kasuotan ko. Kahit sa suot kong puting LA cap.

Muling umayos ako sa paglalakad at taas ang ulong sinalubong ang mga tingin nila. Samantala walang kaemosyon-emosyon ang mga mata kong tumitig para tigil nila ako.

Mayamaya bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone kong nasa bulsa. Maingat kong hinugot iyon mula doon saka tinignan kung sino ang pesteng hayop ang tumatawag sa'kin. Ngunit ng makitang isang unggoy lang naman pala iyon ay hindi ko muna sinagot at hinintay na makalawang beses itong mag-dial ulit, bago ko tuluyan sinagot ang tawag niya.

"Dali se vrativte?" bungad niya sa lenguwahe ng Macedonian [Are you back?]

"Didn't I call you last night?" walang kaemosyon kong tugon.

"Eh! Let me check your GPS." Magsasalita na sana ako ng may narinig na akong ingay ng keyboard sa likod ng cellphone niya. "Yup! You're currently at the airport---"

"Mak'saneng, I'm not lost. I don't need you to tell me where I am---"

Hindi ko natuloy ng sumigaw na siya sa kilig, "Nandito ka na nga! Welcome come back, Ludilo! It's been a long time."

"Hindi kita namiss." pang-una ko sa kanya. "Paalala ko lang sa'yo."

"So, wala akong pakialam." mataray niyang asik.

"Kung puputulin ko kaya ang ulo mo." malamig kong pagbabanta.

"Tapos display mo 'ko?"

Naibuka ko ang bibig ngunit agad din sumira ng mabigat akong napabuntong hininga, sabay pisil sa taas ng tulay ng ilong ko.

"About our meeting." pang-iba ko ng usapan.

"Ano ba 'yan?! Kakarating mo lang eh."

"Nagrereklamo ka ba?"

"Aba! Dapat lang!" bulyaw niya at kung iisipin ko nakakrus na ang dalawang braso nito sa dibdib habang nagrereklamo. "Wala man lang break o get away para i-celebrate ang pagbabalik mo?"

Kumunot ang noo ko, "Where the hell do you think I came from?"

"Ewan ko sa'yo, ba't ako ang tinatanong mo?"

"Mak'saneng." Huminga ulit ako ng malalim.

"Sabi ko na nga eh." natatawang sambit niya. "Titigil na nga ako."

"I'm getting new missions from heads this month. So I can't go meet you and see Zedd. I will get in touch with you once I'm finished." seryosong anas ko habang naglalakad pa rin papalabas ng airport at nasa tenga ang cellphone. "Besides, I'm not entirely certain if I'm still in Las Piñas or around Manila. It depends on where the mission would take place."

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon