Krisana
Sumisikat na ang araw nang lumingon ako sa guhit-tagpuan. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa aming paglalakad sa dalampasigan, habang pinapakiramdam ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa karagatan. Ang maalat na nagmula doon ay naglilikhang dala ng hangin ay matalim ngunit mabangong amoy sa pang-amoy ko.
Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jason ng mas lalong lumalakas ang malamig nahihip ng hangin. Naramdaman kong napatingin siya sa'kin pero iniyakap ko nalang ang sarili sa braso niya para makakuha ng init mula sa kanya. Mahinang tinawanan niya ako saka huminto sa paglalakad. Magtatanong palang sana ako dahil sa pagtataka ng bigla niya akong pinuwesto sa harap niya at niyakap ng mahigpit, samantala nakatayo ito sa likuran ko.
Napangiti nalang ako isinandal ang sarili sa kanya saka niyakap ang braso niya. Ang init ng katawan niya ay nagbibigay gaan sa nilalamig kong katawan, ni napapikit ako para namnamin iyon. Sunod naramdaman ko ang paghalik ng labi niya sa tuktok ng ulo ko dahilan para imulat ko ang mga mata.
Oh, I wish this moment could be frozen in time. It will continue in this state of peacefulness, free of problems, fights to be won, and life to fight. I wish freedom were closer to us, so we could do things without being forced to hide.
"Love birds, kainan na!" rinig kong sigaw ni Yugo.
Parehong lumingon kaming dalawa ni Jason sa kanya. Nakatayo nga ito sa taas ng hagdan habang kinakaway ang kamay sa amin at tinatawag kami. Nagtinginan pa kami ni Jason at nakangiting magkahawak ang kamay tinahak ang daan pabalik patungo sa beach house.
Pag-akyat namin sa nakataas na landscape ng bahay. Binungad agad kami ng sunod-sunod na reklamo mula sa Lolo namin. Birong pinaikutan ko siya ng mata at mahinang kinurot ang braso nito dahil sa pagkagiguil sa kanya. Maarteng dumaing naman siya ng malakas kaya naitulak ko siya papalayo. Kung hindi pa talaga pumagitna sa amin si Jason ay baka gumante rin ito sa'kin.
Tawang-tawa nalang ako saka naunang naglakad. Sumunod naman silang dalawa sa likod ko habang may kung ano pinag-uusapan na hindi ko naman naririnig.
Nang makapasok sa bahay may naamoy kaagad akong masarap na pagkain. Binalingan ko ng tingin ang kusina at nakita kong nagluluto doon si Lui sa harap ng stove. Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya para tignan kung ano ang hinihinanda nito.
"Magandang umaga po sa inyo." nakangiting bati ni Lui.
"Napakapormal naman," Ngumiti ako pero agad rin napakunot ng noo. "Teka, inaaway ka ba ni Jason? Sinaktan ka ba niya habang tulog ako?"
Nanlaki ang mga mata niyang lumingon sa'kin, "H-hindi. Wala po 'yun..."
"Ba't parang pakiramdam ko nagsisinungaling ka sa'kin."
"P-po?"
Hindi ko siya hindi makapagsalita ulit at hinanap ng mga mata ko ang asawa.
Kakapasok palang niya sa loob ng bahay kasama si Yugo. Ngunit ng makita akong masama ang tingin agad siyang napakunot ng noo, habang naglalakad patungo sa kusina.
"Is there something wrong?" pagtataka niyang tanong niya.
"What's wrong?" Nakataas ang isang kilay kong sambit. "Ba't mo inaaway si Lui?!"
"What?" gulong-gulo niyang anas.
"Ikaw! Pag nalaman ko talaga inaapi mo 'tong anak ko. Mawawalan ka nang asawa." birong pagbabanta ko habang nakapamewang at tinuturo siya.
Agad sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko.
"Subukan mo, at hindi na masisikatan ng araw ang anak-anakan mong 'to." malamig niyang sambit saka binigyan ng tingin si Lui nagluluto sa gilid ko. "Tauhan ko man siya pero kaya kong magbawas ng isa."
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Aksi| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
