TPS: Chapter 32

4.6K 249 17
                                    


Kaenu Payton


Ilang segundo muna kaming nagkatinginan ni Katara dahil sa sobrang kaba ng aking nararamdaman. I already saw Axel's mother and just like what Axel have told me, hindi siya ang isang klase ng tao na dapat kalabanin. Her presence is too intimidating.

Ang daming tumatakbo ngayon sa isipan ko. Ang daming katanungan kung bakit siya nandito sa teritoryo namin ni Axel.

I took a deep breath bago ako ngumiti ng kaunti kay Katara. Telling her that I will be fine.

Kasama kong lumabas si Nanay ng aking opisina. Itinuro naman siya sa akin ang kinaroroonan ng Ina ni Axel.

"Maiwan ko po muna kayo." Ani ni Nanay nang nasa tabi na kami ng Ina ni Axel. Humarap sa akin si Votirina at saka tinanggal ang shade na suot niya. She looked at me from head to toe kaya hindi ko maiwasang hindi mapayuko sa hiya.

I heard her sighed and placed the shade on the table.

"Have a seat." She said.

Kaagad naman akong umupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang harapan. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero muli akong napayuko.

"Look at me. I have something to ask you. I hope you will answer me honestly." She started.

Nag angat ako ng tingin at saktong direkta din na nakatingin sa mga mata ko si Victorina. Hindi ko mabasa ang expression na nasa mukha niya. Sa uri ng tingin na binibigay niya sa akin ay para bang hinuhukay niya ang aking pagkatao.

"Let me get straight to the point. What is your relationship with my son?" Walang paligoy-ligoy na tanong niya. Napalunok naman ako sa sarili kong laway.

"M-magkaibigan lang po kami ni A-axel." Utal-utal kong sagot.

She raised her brows na tela ba hindi siya satisfied sa naging sagot ko.

"Friend? May kaibigan ba na niregaluhan ng isang negosyo? Upon investigating, my son bought this land and constructed this place just for you. I don't wanna assume things dahil baka hindi rin lang naman totoo ang nalaman ko. I wanna hear it from you. Again, what is your relationship with my son?" Striktong ani niya sabay tanong ulit sa akin. I know my words did not convinced her dahil mukhang may alam na siya.

"A-xel..Axe is my.."



"If you already knew then why are you still asking my cousin? Why don't you just ask your son."

Gulat akong napalingon mula sa aking likuran ng biglang sumulpot si Katara and butted into our conversation.

Victorina clicked her tongue at halata ang inis sa kanyang mukha.

"Kung may gusto kang malaman. Magtanong ka sa anak mo, and stop looking at my cousin like he did something wrong." Katara asked and sat beside me. Sinubukan kong kuhanin ang atensyon ni Katara pero direkta lang siyang nakatingin kay Victorina.

"It's just a simple question. Mahirap bang sagutin ang tanong ko?"

"Hindi. Pero sasagot lang ang pinsan ko sa taong karapat dapat na sagutin ng tama." Sagot naman ni Katara sa ginang.

I bit my lower lip. Dahil mas lumala lang ang sitwasyon. Magsasalita pa sana si Katara pero pinigilan ko na siya.

Ayokong mag away sila nang dahil lang sa relasyon namin ni Axel. She is Axel's mom after all. She still has the right to know between me and her son.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon