TPS: Chapter 34

4.5K 256 32
                                    

Kahapon pa sana dapat ito i-post kaso hindi ko matapos tapos dahil nagloko ang google docs. Finally, it's back and I can now write. Thank you ulit sa paghihintay.


Kaenu Payton POV


Ang daming tumatakbo ngayon sa isipan ko. Nakaupo lang ako sa kama yakap ang aking sarili habang nakatitig sa aking telepono na nasa aking harapan. Hinihintay ko ang tawag ni Axel dahil nagbabakasakali akong tumawag siya kahit malalim na ang gabi.

Hindi ako makatulog, hindi rin ako nakaramdam ng antok. Magulo ang aking isipan. I'm still trying to think positively na wala lang 'yon. Gustuhin ko mang tumawag kay Axel ulit pero natatakot ako. Natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari.

The background sound doesn't look like his in the office. Narinig ko sa kabilang linya kahit panandalian lang, maingay ang musika at sa tingin ko ay sa bar iyon. I don't want to assume pero 'yon ang hinala ko.

Kinabukasan pagod akong bumangon mula sa kama. Madaling umaga na akong nakatulog sa kakahintay ng tawag kay Axel. Sadly, wala akong natanggap na tawag mula sa kanya. Nagpahilamos ako ng mukha habang nakaupo sa kama. Gusto kong umiyak dahil sa nararamdaman ko ngayon. He didn't call me yesterday at wala akong natanggap na mensahe sa kanya hanggang ngayon.

I stood up and did my daily routine. Matamlay akong bumaba ng silid matapos kong mag ayos at nagpasya na magtungo sa kusina. Nang makababa ako ay nanlaki ang aking mata ng makita ko ang familiar na likuran ng lalaki.

Napangiti ako sa tuwa ng masilayan ko siya.

He's back.

Dahan dahan akong lumapit kay Axel dahil hindi naman niya napansin ang presensya ko. Pero napatigil na lang ako ng makita ko ang kanyang mukha. He looks so troubled and worried. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

I took a deep breath at mabilis na lumapit sa kinaroroonan niya.

"Axel! You're back." Masigla kong ani at dinamba siya ng isang mahigpit na yakap.

"K-kaenu-" Gulat niyang ani at saka niyakap ako pabalik. He hugged me so tight sabay subsub ng mukha niya sa leeg ko.

Para bang sa akin siya kumukuha ng lakas. I settled myself on his lap while we are still hugging each other.

"You're finally home." I mumbled.

"Yes, of course. You're my home, Kaenu. Only you." Ani niya sa akin na siyang kinangiti ko.

When we let go from the hug I cupped his face and stared at his eyes.

"You look so troubled." I honestly said.

Umiwas siya ng tingin sa mga mata ko at ilang beses na napalunok. I know that he is hiding something. I can feel it.

"It's nothing, babe. I'm just so tired from the flight. Sinisigurado ko talaga na makakauwi ako dito ng maaga dahil hindi ako nakauwi kagabi." He told me. Obviously he is lying to me. Hindi kasi mapermi ang kanyang mga mata.

Axel, bakit?

Pinilit kong ngumiti kahit ang dami kong gustong itanong sa kanya. Gusto kong itanong sa kanya kung sino yung babae na sumagot sa tawag ko. Pero mukhang wala siyang ideya na tumawag ako.

"You keep staring at me. May gusto ka bang sabihin sa akin?" Axel asked me.

Namalayan ko na lang na ilang minuto na pala akong nakatitig sa mukha niya. I gave him my sweetest smile.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon