TPS: Chapter 36

4.6K 242 17
                                    


Kaenu's POV


Parang pinagsisihan ko tuloy na sinabi ko sa kanya ang pagkikita namin ng Ina niya. Axel brushed his face bago siya tumingin sa akin.

"May ginawa ba siyang masama sayo?" Nag-alalang tanong niya sa akin.

Instead of getting worried I just gave Axel a sweet smile at saka ako umiling sa kanya.

"Nope. But I think she just wanted to know about us." Pag-aamin ko pa.

I heard Axel sighed deeply sabay gulo ng buhok ko.

"Don't worry about her. She won't hurt you, subukan lang niya." Axel said na siyang kinakilig ko.

Kaya mabilis ko naman siyang ninakawan ng halik sa pisngi na siyang kinagulat niya. I'm not usually doing this to him. Ngayon lang. Nahihiya kasi akong halikan siya ng kusa.

"What was that?"

I pouted and looked somewhere else. "Wala, kinikilig lang." I honestly said.

"I know. Your ears are red ang cute lang." Nakangiting saad ni Axel kaya napahawak naman ako sa tenga ko.

"Ewan ko sayo." Ani ko sabay walk out.

The next thing I woke up ay wala na si Axel sa tabi ko but he left a note that he left early in the morning for work.

I also did my daily routine before I went to the shop.

"So, bati na kayo?" Tanong ni Katara sa akin.

I nodded at her as I sipped my coffee. "Pero alam ko na hindi niya nagustuhan ang huling sinabi ko tungkol sa Ina niya."

"Bakit mo naman kasi sinabi. You know Axel." Pangangaral ni Katara sa akin.

Huminga ako ng malalim. Para kasi sa akin, Axel has the right to know. Ayokong magtago ng kahit na ano kay Axel.

"Huwag munang isipin iyon. I'm sure Axel won't do something as long as they won't hurt you. Anyways, let's talk about something else." Katara said. Tumayo naman siya at saka sinarado ang nakabukas na pinto ng opisina ko. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa inasta niya.

Umupo siya muli sa harapan ko. "Iyon bang si Peter eh may gusto sayo?" Usisa niya pa.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa tanong niya. Akala ko kasi kung ano na. Isa pa akala ako lang ang nakakapansin sa mga kilos ni Peter pari rin pala si Katara kahit na hindi ito palaging nandito sa shop.

Tingin ko may napapansin na rin iyong kasamahan namin dito kay Peter at lalo na siguro si Nanay.

"Hindi ko alam. Pero hindi rin naman ako manhid para hindi maramdaman ang gustong iparating ni Peter sa akin." Pag-aamin ko kay Katara.

"Alam ba ito ni Axel?"

Umiling ako kay Katara. "Hindi. Hindi rin naman siya nagpapakita ng motibo when Axel is around."

Napaisip naman si Katara sa sinabi ko. "Bakit kaya? I mean, empleyado at malaki ang utang na loob ng pamilya nila kay Axel. Why is he suddenly doing this?"

I shurruged kasi hindi ko rin alam sa totoo lang.

"I'm not judging him naman. Baka totoo talaga ang pinapakita niya."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Katara and we then switch to our next topic. My family. Ayoko nang pag usapan pa ang tungkol kay Peter hindi ko naman din binibigyan ng malisya lahat ng pinapakita niya.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon