Prologue

16.8K 570 52
                                    


Bilang nag-iisang anak ng mga de Ayala na kilala ang pangalan sa buong bansa. Lumaki si Axel na matalino at mapagmahal na bata. Hindi man masyadong nakakasama ni Axel ang kanyang mga magulang ay naglalaan naman ng oras sa kanya ang kanyang ama. Except for his Mom na bihira lang niyang nakikita.

Nakatira naman sila sa iisang bahay pero halos isang beses kada linggo lang niyang nakikita ang ina.

Pero habang siya ay lumalaki doon niya lang unti-unting naintindihan kung bakit gabi-gabi niyang nakikita ang kanyang mabuting ama na umiinom habang umiiyak sa bar counter ng bahay.

He's parents were not in good terms.

Never niyang nakita na maayos na nag-uusap ang kanyang mga magulang. Ang kanyang Ina na laging wala sa bahay at minsan lang umuuwi. Hindi niya alam kung saan rin ito namamalagi.

While his father Enrico de Ayala is busy taking care of their business pero dama niya ang lungkot na dinadala ng Ama. Gusto niyang maibsan ang kalungkutan nito pero hindi siya ang makapagbibigay nun.

Alam niyang mahal na mahal ng kanyang Ama ang kanyang Ina. Bilib siya sa mataas na pasensya nito. Bilib siya sa pagmamahal na binibigay nito para sa kanyang Ina.

One time nakarinig siya ng kalampag mula sa silid ng kanyang Ama. Nagdadalawang isip pa siyang pumasok dahil binalot siya ng kaba ng marinig ang masasakit na mga daing nito.

He immediately opened the door at doon tumambad sa kanya ang nakabitin na katawan ng kanyang ama.

"D-dad..Daddy!!" tanging sigaw niya. Pilit niyang inabot ang lubid mula sa pagkakasakal ng kanyang ama pero huli na ang lahat dahil wala na itong buhay.

Umiiyak niyang niyugyog ang katawan ng kanyang ama at nakikiusap na gumising ito kahit na imposible. He then saw something na hawak hawak ng kanyang ama. Mabilis niya itong kinuha mula sa kamay at doon niya nakita ang larawan ng kanyang Ina. 

Larawan ng kanyang Ina na may kasamang ibang lalaki habang makadampi ang labi sa isa't-isa.


Kinabukasan ay mabilis niyang pinaayos ang mga papeles para sa pagpapalibing ng kanyang Ama. Marami ang nagulat dahil sa nangyari. Kilala na mabait na tao si Enrico. Matulungin ito sa mga nangangailangan.

Isang lingo na pinaglalamayan ng mga kaanak nila si Enrico. Pero ni anino ng kanyang Ina ay hindi man ilang ito nagpakita. Umasa siya na kahit sa huling hantungan ng kanyang ama ay magpakita ang taong may kasalanan sa lahat ng ito. Pero bigo siya. Kahit sa mismong libing nito walang Ina niya ang sumulpot kahit man lang sa sementeryo.

Napuno ng galit ang puso ni Axel galit para sarili niyang Ina. He doesn't know what to do kung sakaling makita niya ang Ina ay baka kulang pa ang sakal na gagawin niya dito sa sobrang galit na namumuo sa puso niya. 

Axel never been mad since then. Ngayon lang siya na nakaramdam ng galit at sobrang puot. 

Nagsi-alisan na ang lahat ng mga tao at tanging siya at ang butler nalang niya ang nanatili sa sementeryo. 

Bumuhos ang malakas na ulan at doon binuhos ni Axel ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. He's heart feels heavy sobrang bigat na halos baka hindi na niya kayanin. 

"Dad, pinapangako ko sayo. Walang sino mang babae na magiging masaya sa mga kamay ko. Hindi hindi nila kailangan man matitikman pa ang pagmamahal ng isang de Ayala. Sinusumpa ko," matigas niya sabi sa puntod ng kanyang ama habang patuloy ang kanyang pagtangis.

At sa mismong araw na iyon nagbago na ang lahat kasabay ng pagkamatay ng kanyang ama ay siya ding pag sarado ng puso at isipan niya.

Sisiguraduhin niyang sandamakmak na babae ang iiyak sa harapan niya. Ang magmamakaawa at luluhod sa kanya na mahalin ng isang de Ayala.


TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon