TPS: Chapter 33

4.3K 238 16
                                    


Kaenu Payton


Kinabukasan I woke up with a huge smile on my face. Magsisimula pa lang ang araw ko pero pakiramdam ko kumpleto na ito. I just read Axel's message to me that he is coming back tonight. Maaga daw na naresolba ang problema and he wanted to be home as soon as possible dahil gusto na niya akong makita.

Hinatid ako ani Katara papunta sa shop. Sinalubong naman ako ng isang malaking ngiti ni Peter na siyang kinangiwi ko, hindi ko lang pinahalata.

Naalala ko naman ang biglang pagsulpot niya kagabi sa condo, ang pag-abot niya sa akin ng bulaklak.

"Good morning, Kaenu. How's your sleep?" Nakangiti niyang bati sa akin.

"Maayos naman." Sagot ko.

"Rinig ko uuwi na si bossing. Pwede ba kita ayain na kumain sa labas mamayang gabi?"

Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi ineexpect dumating siya sa punto na ayain niya akong kumain sa labas knowing na pauwi na si Axel. It took a few seconds bago ako nakasagot kay Peter.

"Pasensya kana, Peter. Pero--"

"Bukas? O kaya sa susunod na araw. Ayos lang." Pagputol niya sa sinabi ko.

Malalim akong napabuntong hininga ramdam ko na hindi talaga niya ako titigilan hanggat hindi ako pumayag sa kumain sa labas kasama siya. I don't know what's with Peter, pakiramdam ko kasi parang may kakaiba sa kanya. I find his actions really weird.

Noon naman hindi siya ganito. Hindi siya lumalapit hanggat hindi ako ang unang tumawag sa kanya kapag kailangan ako tungkol sa shop, but now it's really different.

"S-sige. I'll ask Axel." Pagpayag ko. Of course I need Axel's permission too. He is my boyfriend and he has the right to know.

Napakamot naman si Peter sa kanyang batok at tila ba hindi gusto ang sinagot ko.

"Sige, Peter. Papasok na ako sa opisina ko." Paalam ko sa kanya bago pa siya may sabihin na iba sa akin.

Pero laking gulat ko ng bigla niya akong hawakan sa kamay. Ramdam kaagad ng sistema ang familiar na pakiramdam. This feeling of being disgusted when someone touched me. Mabilis kung binawi ang kamay ko kay Peter. I looked at him at alam kong nababasa niya ang takot mula sa aking mga mata.

"I'm sorry..Hindi ko-"

"It's okay. M-may sasabihin ka pa?" Ani ko. I composed myself and secretly took a deep breath. I need to calm down. Ayos lang sa akin na nandyan sila sa paligid ko, but I'm still not use to it kapag may taong bigla na lang hahawakan ako.

I'm still recovering, not fully recovered. My session with Katara is still going on.

Peter didn't utter some words kaya mas pinili ko na lang na umalis sa harapan niya at magtungo sa opisina ko.

"Mauna na ako." Paalam ko sa kanya at mabilis na tumalikod.

Nang makapasok ako sa loob ay kinapa ko ang dibdib ko. Napatingin ako sa kamay kung saan ako hinawakan ni, Peter. Luckily, I'm wearing my cloves. Nakahinga naman ako kahit papano ng maluwag.


**

Mabilis natapos ang araw ko sa shop. Katara invited me to join her to buy groceries. Una tumanggi ako. Dahil hindi pa ako sanay sa maraming tao. But she still insist at ginamit pa talaga si Axel para mapa payag ako sa gusto niya.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon