[] Kaenu Payton
I was surfing the internet while stalking Axel's exes. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko kong bakit ko inistalk itong mga babaeng nalilink kay Axel. At the same time naman hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila.
Sa totoo lang lahat ng babaeng naging ex ni Axel ay puro maganda at sexy. Walang patapon sa mga ito. Sabagay Axel is handsome too.
Napadpad ako sa babaeng nagngangalang Sabrina. Ang sabi dito sa article na umabot daw sila ng anim na buwan sa pagdi-date at ito ang kauna-unahang babae na tumagal kay Axel. The girl named Sabrina was pretty no, she's gorgeous, long legged at isang modelo mula France.
I clicked her photo wearing a Japanese uniform. I gulped at saka ako napatingin sa closet ko. Dahan dahan akong tumayo at nagpunta sa aking closet. Binuksan ko ito ang kinuha ko ang Japanese uniform na gaya nung kay Sabrina.
This wasn't mine. Kay Katara ito na pilit niyang pinapasuot sa akin noong tinupak siya years ago. Ang sabi niya bagay na bagay daw ito sa akin. She likes Anime kasi.
Natagpuan ko naman ang sarili sa harap ng salamin habang suot suot ang naturang Japanese uniform. Napatulala ako sa aking sarili sa harap ng salamin. Masyadong maikli ang palda neto.
But Katara is right.
Bagay nga sa akin.
Wig na lang ang kulang at pagkakamalan na talaga akong babae.
"Kaenu? It's me, Axel." Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses ni Axel sa labas ng aking silid. Kaagad akong nataranta at mibilis na pinagtatanggal ang botunes ng damit ko para magpalit.
"Kaenu? Let's talk. Please." Axel said again.
Sa sobrang taranta ko ay nasagi ko ang vase nasa lamesa at nagbasag iyon. Nakagat ko ang aking labi at napatingin sa pintuan.
"Kaenu? What was that? Are you alright? Fuck! Are you inside?" Sunud-sunod na ani Axel sa akin.
Kaagad kong pinulot ang basag na glass vase at hindi pinansin si Axel sa labas.
Bakit siya nandito?
Anong ginagawa niya dito?
Sunud-sunod na tanong ng aking isipan.
"Ahh!" Napadaing ako ng masugatan ko ang aking sarili. I forgot to wear my gloves pala dahil sa pinaggagawa ko.
"Kaenu? Hey!" Axel said at ramdam ko pag-alala sa boses niya. Muli akong napabaling sa pintuan when I saw the doorknob moved. It's not luck. No!
Don't!
"Don't come inside!" Sigaw ko pero huli na nang tuluyan nang itinulak pabukas ni Axel ang pinto at saka siya pumasok sa loob.
Ilang ulit akong napalunok sa takot, kaba at hiya dahil sa ayos ko ngayon. Nakabukas ilang butones ng pang itaas kong damit nakaupo pa ako sa sahig habang lantaran sa harap niya ang hita ko dahil sa ikli ng palda.
"I said don't come." Maina kong ani pero sapat lang iyon para marinig niya.
Kitang kita ko ang gulat sa mga mata ni Axel dahil sa ayos ko. Pero kaagad din iyon napalitan ng pag-alala ng makita niya ang duguan kong daliri. Kaagad kong itinago sa likod ang kamay nang makitang nakatingin siya dito.
The gloves. I need the gloves.
He then closed the door and rushed towards me.
Hinila niya ang braso ko at pinaupo niya ako sa kama. Habang ako naman ay nakayuko lang sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
TPS: Axel de Ayala [BXB]
General FictionAxel Enrico de Ayala ang pangalan na laging laman ng balita. Balita tungkol sa bago nitong girlfriend kada araw. Balita tungkol sa nag te-trending nitong mga break ups kuha ng mga netizen na naka saksi. For Axel wala na mas masaya pa sa buhay na me...