TPS: Chapter 27

6.1K 298 7
                                    


[] Kaenu Payton


Gabi na ng ihatid ako ni Axel sa bahay. Medyo natagalan kasi kami sa byahe dahil sa pareho kaming pagod kaya pahinto hinto ang byahe namin para magpahinga. Gusto ko sanang sumama kay Axel pero ang sabi niya ay susunduin na lang daw niya ako bukas ng umaga.

May pag-uusapan lang muna raw sila ng kaibigang niyang si Pancho. Ramdam ko na seryoso ang pag-uusapan nila dahil hindi naman mag-aya na umuwi si Axel agad agad.

"I'll see you tomorrow, okay? Take a rest." Axel said and kissed me on my forehead to bid goodbye.

"Take care." I said and Axel nodded at me. Bumalik naman siya sa loob ng sasakyan niya at saka siya umalis.

I sighed.

I'm so tired.

Gusto ko munang magpahinga. Masakit pa rin ang katawan lalo na ang balakang ko pero kaya ko naman maglakad. Akala ko nga kanina ay hindi na ako makakalakad dahil umulit pa talaga si Axel before we leave.

Nasapo ko ang aking mukha ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Axel. I know it's too fast. Pero masisisi niyo ba ako kung curious din ako kung ano ang pakiramdam na makaranas ng pagtatalik. Akala ko mandidiri ako kay Axel, pero hindi pala.

The way he holds me is really something. Parang nakukuryente ang katawan ko sa mga haplos niya. Nakakalunod at nakaka addict. Siguro dahil pinaparamdam niya talaga sa akin na mahal niya ako.

"Kaenu? Papasok ka ba o tutunganga ka lang diyan na parang tanga."

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Katara. Nakapamewang siya habang nakatayo sa may gate. Tiningnan niya ako ng maigi na para bang kinikilatis niya ako.

"A-aww." I hissed when Katara suddenly slapped my butt.

"Sinasabi ko na nga ba. Argh! That asshole!" Katara said. Parang umuusok ang mukha niya sa galit.

Kagat labi naman akong napatingin sa kanya dahil sa hiya.

"K-Kat..mahal ko siya. At walang mali sa ginawa namin."

She sighed.

"Alam ko. Pero Kaenu...."

Hindi ko siya pinatapos pa sa gusto niyang sabihin. I just came closer to her out of the blue and hugged her tight. Hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang ay basta na lang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya.

Katara froze. Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko.

Ako rin naman.

"Kaenu?" Tawag niya sa akin.

Nakayuko akong bumitaw sa kanya. Dahil nahihiya ako sa ginawa ko.

"You hugged me.." Ang naluluha niyang saad.

I nodded at her. "I..I did."

Napatakip siya sa kanyang bibig tila ba hindi makapaniwala. "Oh my God! Oh my God. You hugged me." Lumuluha pa niyang saad.

"Kat, hindi ko alam kung paano. Pero--."



"Kaenu Payton!"

Napatigil kaming dalawa ni Katara at lumingon sa kinaroroonan ng aking ama. I gulped when I saw his eyes looking at me na para bang may mali na naman akong nagawa. I held Katara's sleeve secretly dahil sa kaba at takot.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon