TPS: Chapter 41

4.5K 263 66
                                    


Kaenu Payton

Tatlong araw makalipas simula ng mangyari ang tagpo namin na iyon ni Axel. Yesterday they announced Axel's engagement to Vanessa ang daming nagulat pero ako ay hindi na siguro ay mas nasaktan, oo. He kept coming to the house pleading to my parents to talk to me, pero ako ang may ayaw. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kasi alam ko na isang hingi lang niya ng tawad sa akin, showered my face with kisses ay bibigay kaagad ako.

Masyado pang magulo ang isipan ko. Hindi ko alam kung bakit ginawa ito sa akin ni Axel. Maybe he really wants to protect me. Siguro hindi lang ako ang nahihirapan siguro ay siya rin. Pero bakit?

Alam ko naman na wala akong maitutulong sa kanya but keeping all these things from me made it worse.

Hindi muna ako pumasok sa shop. Si Peter at si Nanay na lang muna ang pansamantalang bahala doon. Wala naman akong ginawa but I feel so drained and tired.

I jolted when I heard a knock outside my door. "Kaenu, anak?" Tawag sa akin ni Mommy bago niya pinihit ang pinto at saka dumungaw sa kwarto ko. Binaba ko ang binabasa kong libro ng makita ko siya.

"Someone is here for you." She said,

I sighed. "Mom, ayoko siyang kausapin." I told her. I'm sure nandito na naman si Axel.

"It's not Axel. Her name is Vanessa at sabi niya kaibigan mo raw siya." Ani sa amin ni Mommy. I frowned.

What is she doing here?

Walang pagdadalawang isip akong bumaba mula sa aking kama. Tiningnan ko si Vanessa mula dito sa taas at saktong bumaling naman siya sa kin. She smiled at me.

Nag-iwas lang ako ng tingin at saka huminga ng malalim bago ako bumaba ng hagdan para harapin siya. Iniwan naman kami ni Mommy para makapag-usap na dalawa. Wala ngayon si Dad dahil may pasok siya sa City Hall.

And speaking of Dad we haven't talked since that day.

"Kae, I'm sorry for coming here without informing you. I....I just really need your help." Natataranta niyang ani. Panic is visible on her face.

"Spill it." Simpleng saad ko.

Huminga muna siya ng malalim at saka hinaplos ang tiyan niya. Everytime I watched her tummy I felt a pang in my chest. "Axel, he won't marry. He came to our home that night after the announcement of our engagement and he was so mad. He even choked me in front of my parents." Panimula niya. Pinakita naman niya sa akin ang bakas ng kamay ni Axel sa kanyang leeg. Napasinghap ako I can't imagine Axel doing this to Vanessa, she's pregnant. "Kaenu...pakiusap. Tulungan mo ako. I want Axel to be here beside me gustong gusto ko na lumaki ang anak ko na may isang ama sa tabi niya. P-pakiusap. I know I already asked you this but I'm willing to asked you all over again hanggang sa tuluyan ng maging akin si Axel. I know he loves you so much and sayo lang siya makikinig. Please."

"V-vanessa..."

"No...Don't say no, please. Alam mo naman siguro diba kung ano ang pakiramdam na lumaki na walang isang ama sa tabi mo diba? Wag mo naman sanang ipagkait sa anak ko ang isang ama, Kaenu pakiusap." Dagdag niya na siyang kinagulat ko.

"Bakit parang kasalanan ko Vanessa?" Naguguluhan tanong ko sa kanya.

"I'm not blaming you pero parang ganun na rin eh. Sana huwag mong ipagkait sa anak ko ang magkaroon ng isang masayang pamilya at isang ama sa tabi niya. I'm begging you, Kaenu." She said,

Nag-iwas ako ng tingin. "Axel deserves to have his own family too, Kaenu. At hindi mo iyon maibibigay sa kanya. Don't be selfish." Vanessa added. Natulala ako sa sinabi niya. She's right.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon