[] Kaenu Payton
Buong biyahe ay wala akong iba ginawa kundi ang mamangha sa bawat lugar na aming nadaanan. After the plane we are now riding a car papunta sa lugar na gustong pagdalhan sa akin ni Axel.
Hindi na ko na siya kinulit pa kung saan niya ako dadalhin as long as kasama ko siya wala akong problema.
"Ang ganda dito, Axel. Sobrang presko ng hangin." Ang nakangiti kung saan habang nilalanghap ang sariwang hangin sa lugar. Nakabukas kasi ang bubong ng sasakyan ni Axel kaya langhap na langhap namin ang sariwang hangin. Banayad lang din ang takbo niya habang inienjoy namin ang rides na ito.
"Just like I told you. You will definitely love this place." Axel said sabay apak ng gasolinador niya at pinatakbo ng mabilis ang kanyang sasakyan.
"Woooooh! Ang saya ditooo!" Sigaw ko pa kasabay ng pagpatakbo niya ng mabilis. Ngayon lang ako nakaramdam ng saya. Pakiramdam ko malaya ako sa lugar na ito. I'm free.
"Ahhhhh!! Ang sarap ng hangin!" Axel shouted sabay taas ng isang kamay niya at ang isa naman ay nakahawak sa manibela ng sasakyan. Umayos naman ako ng upo at saka binigyan si Axel ng isang matamis na halik sa kanyang pisngi. He deserves it.
Ginulo naman ni Axel ang buhok ko and give his most genuine smile.
Nakarating kami sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Sobrang ganda nito at bagay na bagay sa ganitong lugar.
"Welcome to Isla de Ayala." Axel told me.
Sinalubong naman kami ng isang lalaki na nakangiting tumatakbo papalapit sa amin. Mabilis naman akong kumapit kay Axel at akmang magtatago sana sa kanyang likuran.
"It's alright, Babe. I'm here." Axel whispered and wrapped his arms on my shoulder.
"Axel! Bossing!" Ang masayang sigaw ng lalaking patakbong lumapit sa amin ni Axel. They do fist bumps and hug each other in a manly way. "It's been a while bossing." The guy said.
Napakamot naman si Axel sa kanyang batok habang tumatawa. "Yeah. It's been really a while." Axel replied.
Napatingin naman sa akin ang lalaki at masaya itong ngumiti sa akin. Nagulat naman ako bigla sa ginawa nitong pagyakap sa akin dahil para manginig ang tuhog ako. Kaagad naman siyang inilayo ni Axel sa akin as Axel secure me in his arms.
"Peter distance." Seryosong saad ni Axel kay Peter.
"Oh? Sorry. Di ko mapigilan ang cute kasi." Ani ni Peter.
"Yeah you're right but he's mine Peter." Axel simple said. Natulala naman si Peter sa sinabi ni Axel habang palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Axel. "Close that mouth. Help us get our things in the car." Axel said at saka naman ako nito ginawa papasok ng bahay.
Axel brought me to our room.
Nawala naman ang kaba sa dibdib ko dahil sa ginawa ni Peter sa akin. Napalitan ito ng sobrang excited ng matanaw ko sa balcony ang magandang karagatan. Sobrang ganda dito. Sobrang maaliwalas. Lahat ng problem ay nakakalimutan dahil sa magandang tanawin na tanaw ko ngayon.
"Breathtaking isn't it?" Axel said as he stood beside me.
Bumaling naman ako sa kanya habang nakangiting nakatingin sa kumikinang na karagatan. This is what he needs. This is the place that we need.
"This place is my father's favorite place. He always brought me with him when my grandparents were still alive. Sadly they are gone now. All of them." Axel said.
BINABASA MO ANG
TPS: Axel de Ayala [BXB]
General FictionAxel Enrico de Ayala ang pangalan na laging laman ng balita. Balita tungkol sa bago nitong girlfriend kada araw. Balita tungkol sa nag te-trending nitong mga break ups kuha ng mga netizen na naka saksi. For Axel wala na mas masaya pa sa buhay na me...