[] Axel de Ayala
6 Months ago..
"Chairman, you wanted to talk to me?" Mahinahon kong saad at saka umupo sa bakanteng swivel chair na nasa gilid niya.
Tumango siya at ngumiti sa akin. He cleared his throat bago siya may inilapag na mga papeles sa aking harapan. He's my father's best friend at siya ang pinagkakatiwalaan ng aking ama sa lahat ng yaman na iniwan niya.
"What are these?" Nalilito kong tanong. At isa-isa kong sinuri ang mga papeles na nasa harapan ko.
"That's your father's last testament. Siguro oras na rin para malaman mo ang tungkol dito since ito ang tugon niya sa akin kapag malapit ka ng tumuntong sa edad na 25 years old."
"W-what?"
"I'm sorry, son. For not telling you this sooner. Gusto ko lang mag enjoy ka bilang binata at huwag isipin ang bagay na ito, just like what your father told me. He's been planning this all along hindi ko man lang napansin. Go on..take your time to read." Pahayag niya sa akin, ramdam ko rin ang lungkot sa boses niya at saka niya ako binigyan ng oras para basahin lahat ng nakasulat sa papel na hawak ko.
I grip on the paper when I read that father wants me to have an heir before he transfers the remaining wealth na hindi ko man lang alam. A huge village na nakapangalan sa kanya at iba pa niyang mga ari-arian na hindi ko akalain na meron pa pala.
He even owns a five star hotel na hindi ko akalain na sa kanya pala iyon. I thought he only had the airlines but I was wrong he has more. And all of this will be mine once I have an heir.
"Hindi man siya narito kasama natin, but I'm sure he wants you to settle down at magkaroon ng anak na maipagmamalaki mo balang araw. I don't understand why your father is doing this pero siguro naman may patutunguhan din ang ginawa niyang ito."
I nodded at him.
"B-but why an heir? I mean.."
"I heard you had a lover. Madali lang sayo ito."
"No..I mean. Yes, I have a lover. But Chairman..f-forget it." I said at hindi ko na sinabi pa ang tungkol kay Kaenu. Tinuloy ko ang pagbasa sa testamento ni daddy and I was shock ng mabasa ko ang nakasulat na kapag hindi ko nagawa ang nakasulat doon. All of this will be handed over to.
"What the hell!" Mura ko ng mabasa ko ang nakasaad. This can't be. How can this be? Sa gagong 'yon mapupunta ang lahat ng pinaghirapan ng ama ko. NO WAY! "Chairman, what the hell is this? I mean...bakit may mapupunta sa gagong 'yon?"
Chairman sighed. "Axel..he's still your brother. Anak pa rin siya ng ina mo."
Inilapag ko sa lamesa ang papel na hawak ko at hindi pa rin ako makapaniwala sa akin nabasa. "I'm aware of that. Pero anong kinalaman niya sa yaman ng ama ko? Anak siya ng magaling kong ina na kinalantari ang brother-in-law niya. Hindi...hindi ako papayag!"
"Son, calm down. Joseph has nothing to do with this unless you fulfill everything that is written to that paper."
Napailing ako.
"W-what if I don't?"
"Then will follow whatever is in there." Chairman replied. Tinapik naman ni Chairman ang balikat ko. "I know you can do this, son. You're not Axel Enrico de Ayala for nothing. I have to go if you need anything tawagan mo lang ako hmm? And oh, piliin mo ang mga taong pagsasabihan mo tungkol dito, Axel." Ani niya bago niya ako iniwan sa loob ng kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
TPS: Axel de Ayala [BXB]
General FictionAxel Enrico de Ayala ang pangalan na laging laman ng balita. Balita tungkol sa bago nitong girlfriend kada araw. Balita tungkol sa nag te-trending nitong mga break ups kuha ng mga netizen na naka saksi. For Axel wala na mas masaya pa sa buhay na me...