TPS: Chapter 43

4.7K 290 86
                                    


[] Axel de Ayala

5 Months later

It's been 5 months since everything happened that fast. Sa isang iglap nawala sa akin ang taong sobra kong mahal. Alam ko na kasalanan ko lahat If I just told him everything siguro may posibilidad pa na maayos namin ito.

But knowing Keanu, I know he will still choose this decision kahit anong mangyari. He's a good person, na kahit harap-harapan na siyang niloloko ng tao na akala niya ay nagsasabi sa kanya ng totoo. He will still be kind and down to earth. Isa 'yon sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. No wonder I fell in love with him at first sight.

My wedding with Vanessa will be held a month from now.

Isa pa mag-isang buwan na rin halos simula nung nanganak si Vanessa. Nakatitig ako ngayon sa batang buhat-buhat ko. She gave birth to a baby boy and we named him after me.

Axelus Enrico Gonzales de Ayala.

I caressed his soft skin and made a faint smile.

"Dahil sayo, nawala siya sa akin. But I know it's not your fault right? He told me to love you. But....but why? Why do I feel like I'm carrying someone's baby?" Mahinang saad ko sa aking anak.

I took a deep breath and put him slowly on his crib.

"Hon? Is he asleep?" Tanong sa akin ni Vanessa na kakagaling lang nito magtimpla ng gatas para kay Axelus.

"Nakita mo naman siguro na dilat pa rin ang mata niya. Do you think he's asleep?" Pambabara ko kay Vanessa.

"I..I see. Ahmm ready ka na sa food tasting natin para bukas?" Pag-iiba niya sa usapan. Napatingin naman ako sa kanyang kamay na pilit itong pinipigilan na huwag niyang kamutin ang kanyang braso. That mannerism, tsk!

I nodded. "Do I have a choice?" I said.

Vanessa just smiled at me bago ako tumalikod sa kanya. I went to my office dito sa Mansion. Dito na rin ako nagtatrabaho para palit-palitan kami sa pagbabantay kay Axelus at para na rin bantayan siya..she's weird actually. Vanessa requested a Nanny for Axelus but I declined. Ginusto niya to, kaya dapat lang na alagaan niya ang anak namin ng hindi nakaasa sa iba.

I don't want her to just sit, eat and sleep. Tapos nakaasa sa iba ang pag-aalaga ng anak namin. She should be a hands-on Mom. May mga katulong naman kami pero pagdating kay Axelus ay wala.

She also tried to seduce me pero hindi 'yon tumalab sa akin. Hind rin ako sa mismong kwarto ko natutulog kong saan nadun siya. Instead I slept in the guest room. Minsan bumisita rin sina Mom kasama ang pamilya ni Vanessa to check on us.

"Axel.." Tawag sa akin ni Vanessa. Hinabol pala ako nito sa baba ng umalis ako.

I stopped and turned around. "What?"

"Axel sa totoo lang hindi ko kayang alagaan ng mag-isa si Axelus. I need someone to help me. H-hindi na rin ako makatulog ng maayos because I have to wake up early because of him--"

"Nagrereklamo ka? Bakit may narinig ka bang reklamo mula sa akin when I'm the one who's babysitting Axelus at night, and may trabaho pa ako kinabukasan? Pasalamat ka at nakakatulog ka tuwing gabi."

"But what's the use of our money kung hindi rin naman tayo kukuha ng Nanny for Axelus." Giit niya.

I chuckled. "Pera ko, Vanessa. My money, my rule." I told her na siyang kinatahimik niya. Just keep your sane Vanessa huwag na huwag mo talagang ipakita sa akin ang totoo mong ugali dahil I will immediately kick you out from this house.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon