TPS: Chapter 47

4.7K 251 21
                                    


[] Kaenu Payton


Ipinikit ko ang aking mga mata habang ninamnam ko ang simoy ng hangin nang makalabas ako ng tuluyan sa National Airport. Matapos ang ilang taon na nagdaan, sa wakas ay nakauwi na rin ako ng Pinas.

I miss this crowded yet beautiful place. Iba pa rin talaga ang saya kapag nasa Pilipinas ka. Huminga ako ng malalim at ngumiti, sakto naman na may humintong SUV sa harapan ko. Bumukas ang bintana and there I saw Daddy widely smiling at me.

"Dad!" I exclaimed in happiness.

Bumaba si Daddy ng sasakyan niya at mabilis naman akong tumakbo papalit sa kanya na parang bata. I hugged him and he hugged back too. "Welcome home, Ijo." Daddy said.

"I miss you, Dad." I told him.

"I miss you too, anak."

"Aww...that's sweet. Ako kaya? Namiss ba ako ng asawa ko?" I heard Mom said behind me at kunyaring nagtatampo pa.

"Come here." Daddy said and chuckled. Inilahad niya ang kamay kay Mom. He pulled Mom to us and we hugged each other. "I miss you both."

Ilang minuto kaming nagyayakapan saka namin pinakawalan ang isa't-isa. Daddy even shed a tear dahil sa sobrang tuwa na sa wakas ay makakasama na niya kami at hindi na siya nag-iisa.

"Magandang umaga po, Tito." Bati ni Peter kay Daddy kaya naman natigil kami sa aming kadramahan.

"Oh! Peter, masaya ako at sa wakas nakauwi na kayo. Naghihintay ang Nanay mo sa bahay, but before that ayos lang ba sayo na may puntahan muna tayo bago tayo umuwi?" Masayang turan ni Daddy kay Peter.

Nakangiti naman na tumango si Peter kay, Daddy. "Walang problema sa akin, Tito." Peter replied.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na kasama pala sina Mommy and Peter sa pang uwi kong ito. They said they want to keep me company on this new journey of mine. I looked at Peter, pero mabilis niyang iniwas ang tingin sa akin. Since that day hindi na ako madalas na kinakausap ni Peter mas lumala pa ito ng malaman niya na uuwi ako ng Pilipinas.

I know I hurt him a lot.

Pinaasa ko siya sa pag-aakala na sasagutin ko rin siya balang araw. Pero masisis niya ba ako kung si Axel pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko? Pero sana maintindihan niya ako, dahil gaya niya nagmahal lang din naman ako.


**

Daddy brought us to cemetery para bisitahin ang puntod ng kapatid ko. Sakto rin pala ang uwi namin sa araw na ito dahil ngayon ang kanyang death anniversary. Naglagay si Daddy ng bulaklak sa puntod ni Kristoff. Tumingin ako sa mukha ng aking Ama. I can still see how much he loves and misses my brother.

"Kristoff, anak. Mahal na mahal ka namin, patawarin mo ako kung ngayon lang kami buo sayo ng buo." Naluluha na bigkas ng aking Ama. "Nandito ang kapatid mo, sa wakas naisama ko na rin siya sa pagbisita sayo. Alam ko marami akong pagkukulang sa kanya pero bumabawi naman ako. Bumabawi ako anak ko." Lumapit ako kay Daddy at yumakap sa kanya. This is the first time na kumpleto kaming pamilya na bumisita sa kanya. Kasi ng lumalaki ako it was always Mom and Dad who came here dahil hindi naman ako lumalabas ng silid. Pero minsan tinutulungan din ako ni Katara na makapunta dito.

"Kuya, I'm sorry." I mumbled.

If I could bring back time. Sana hindi nalang ako umangal at hinayaan siyang agawin ang laruan ko. Kasama pa sana namin siya ngayon.

TPS: Axel de Ayala [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon