[] Kaenu Payton
"You did what?" Hysterical na ani ni Katara sa akin matapos kong isalaysay sa kanya ang buong detalye tungkol sa hiwalayan na naganap sa amin ni Axel. We are just talking through the phone pero sobrang lakas ng boses niya kaya napangiwi na lang ako.
"You broke up with him? Hindi mo lang naman siya pinaglaban dun sa Vanessa at basta ka na lang pumayag? Alam mo, matalino ka naman Kaenu. Pero tangina nagpa uto ka sa empaktang 'yon?" Sunud-sunod niyang sermon sa akin. Inaasahan ko na din ito.
"Eh ano bang gusto mong gawin ko? Ayokong gumawa ng away sa angkan nila kasi alam ko naman kung sino ang talo."
"Axel can protect you."
"I know. Alam ko naman na kaya niya akong protektahan pero hindi sa lahat ng pagkakataon, Kat. Ayoko na lumaki pa ang gulo at marami pang madadamay." I told her.
Gaya ng sabi ko. Ayos lang kung ako ang punteryahin nila sakali pero ayoko na may madamay pang iba lalo na ang pagiging mayor ni Dad dito sa syudad. Kakaupo lang niya sa pwesto at ayoko siyang bigyan ng sakit sa ulo.
I don't want everyone to question my dad's capability just because of me.
I heard Katara sighed on the line. "Sabagay. I'm sorry Kaenu this is all my fault kung hindi lang kita dinala sa bar na iyon. You wouldn't encounter Axel that night." Paninisi niya sa kanyang sarili.
"No, Kat. I'm so thankful that you forced me that night. Dahil nakilala ko siya. Kahit sa maikling panahon na nagmamahalan kami alam ko sa sarili ko na totoo lahat 'yon. Hindi man kami ang para sa isa't-isa at least naramdaman ko at proud ako sa sarili ko na minahal ako ng isang Axel Enrico de Ayala, ako lang." Naluluha kong saad sa kanya.
I heard Katara sobs too. Kaya wala kaming nagawa kundi ang mag-iyakan na dalawa. Nakakatuwa lang, kasi noon sobrang ayaw niya kay Axel para sa akin dahil sa pagiging babaero nito. Pero tignan mo nga naman ngayon sobrang nanghihinayang siya sa aming dalawa.
Tumingin ako sa litrato na nasa nightstand ko. I grabbed it and caressed Axel's face on the frame. Larawan naming dalawa. Axel's is smiling so wide at kitang kita ang maputi at pantay niyang mga ngipin habang ako naka ay nakahalik sa kaliwang pisngi niya.
This picture is breathtaking hindi mo aakalahin na wala kami ngayon. Na ako mismo ang tumapos ng lahat sa amin.
Sunod ko namang tinignan ay ang aking mga bagahe. "Kat, I'm flying to New York." I said while still staring at my luggage.
"What?" Gulat niyang ani.
Huminga naman ako ng malalim. "I know it's so sudden pero nag usap na kami ni Dad kagabi."
"You and Tito are already okay?"
"Yeah, we are and he's going to send me to New York for my proper treatment. And I also told him that I want to pursue culinary. I'd like to bake." I said,
"Oh Kaenu, I want to hug you. P-pero sino ang makakasama mo dun?" May halong pag-alala sa boses niya.
"Si Mom." I replied.
"Okay. That's good. But why so sudden bakit biglaan ang pag-alis mo? Dahil ba ito kay Axel?" Nag-alala na tanong niya sa akin.
I nodded as if she could see me nodding at her. "Yeah. Mas mabuti na siguro na hindi na rin niya ako makita."
"Oh God! Once a possessive always is a possessive, Kaenu. Kahit saang sulok ka man ng mundo magtago mahahanap ka niya." May kalakasang boses niyang ani.
"But I'm not hiding, Kat."
"Whatever you call it. Pero mag-ingat kayo ni Tita okay? I'm sorry if I couldn't send you off dahil sa sitwasyon ko pero bibisitahin naman kita sa New York kapag nanganak na ako."
"No worries, thank you Kat. I'll miss you."
"I'm gonna miss you too." She replied, may marami pa siyang inihabilin sa akin bago namin tuluyang binaba ang tawag.
Yes, I'm flying to New York bukas. Napag-usapan kasi namin ni Dad ang tuluyang pagpapagamot sa akin. Nung una ay tumangi ako pero wala rin akong nagawa dahil gusto niyang bumawi sa akin.
Dad really wants me to be okay kahit sinabi ko naman sa kanya na maayos na ako. Na nakapag adjust na rin ako sa tulong ni Katara at ni..Axel. Pero hindi pa rin siya kampante, he's scared na baka bumalik rin ako sa dati dahil sa nangyaring hiwalayan namin ni Axel.
At tungkol naman sa shop ay pinasara ko na muna 'yon pansamantala. Peter and Nanay ay now staying at the house para may kasama naman si Dad while Mom and I are away.
Alam kong masyadong mabilis ang pag-alis ko. Pero para sa akin mas makakabuti ito sa aming dalawa ni Axel. Mas mabuti na huwag na kaming magkita kailan man. It hurts, but I know this will be a lesson to us. For me Axel and I need to grow, there's still a lot of space for improvements for ourselves. We need to grow as an adult and as a person. Kailan din naming matotong dalawa dahil masyadong kaming nakadepende sa isa't-isa.
Lalo na ako.
I need to do things on my own, not because there is someone beside me. But because for myself the same goes with Axel. Hindi pwede na habang buhay akong nakadepende kay Katara o di kaya kay Axel.
We both need to stand on our own, take responsibility and make decisions. I know someday Axel will thank me for doing this.
I made a faint smile while I'm staring at the sun that was about to rise nasa byahe kami ngayon no Mom patungong airport. Napabaling naman ako sa bintana ng sakayan ng napansin ko ang pamilyar na dinaanan namin Napatitig ako sa building kung saan ako tumira pansamantala kasama si Axel. Sunud-sunod namang tumulo ang mga luha ko ng sumagi sa aking isipan ang masayang ala-ala ko kasama siya. Kahit na ilang beses siyang nagsinungaling sa akin alam ko pa rin sa sarili ko na hindi yun naging dahilan para mabawas itong nararamdaman ko para sa kanya. Masakit nga lang. Para ano pa nga ba kung nagmahal tayo hindi ba? Kasi kaakibat talaga ng pagmamahal ang sakit. You wouldn't feel pain if your love is not genuine and pure.
Pinahid ko ang aking luha at huminga ng malalim. Kailan kong panindigan ang lahat ng ito. Muli akong tumingin sa condo unit niya sa huling pagkakataon..
I'm so sorry for leaving you like this, for breaking up with you and for not even putting up a goddamn fight to our relationship kahit na alam ko na ginawa mo naman lahat para sa akin. Pero sana maramdaman mo kung gaano kita kamahal, sobrang mahal na mahal kita.
Hanggang sa muli, Axel.
_______________________
The End.
CHAAAROOOOT!
BINABASA MO ANG
TPS: Axel de Ayala [BXB]
General FictionAxel Enrico de Ayala ang pangalan na laging laman ng balita. Balita tungkol sa bago nitong girlfriend kada araw. Balita tungkol sa nag te-trending nitong mga break ups kuha ng mga netizen na naka saksi. For Axel wala na mas masaya pa sa buhay na me...