The Beginning
Have you ever experience being stuck in the number indefinite choices? Where you can't decide if where way will you go or what dish will you eat for dinner.
It's difficult isn't it? Especially when you are not certain about the circumstances of your choice.
And you will think that it's just better to stay in between, because it is safer, either let someone choose for you because they know what's the better option.
"Ate, aalis na tayo!"
"Oo na! Ito na!!" sigaw ko pabalik sa kapatid kong naghihintay sa labas.
Dali-dali kong pi-nony tail ang buhok at isinukbit ang bag sa braso. Ang aga-aga pa pero papasok na kami agad, paano ba naman mahirap sa sakayan ng jeep kapag medyo late na at hinahatid ko pa ang kapatid ko sa school niya.
"Ma, alis na po kami ni Marian," paalam ko kay Mama at hinalikan siya sa pisnge. Humalik din si Marian sa kanya bago kami naglakad palabas ng bahay.
Paglabas namin ng bahay ay naruon na si Cloe, ang kaibigan ko na kapitbahay na rin namin. She is wearing a high waited shorts paired with an off shoulder crop top. Wow, naubusan ng tela.
"Ano iyang suot mo, Cesia?" naguguluhang tanong nito.
Napakamot naman ako ng ulo at parang kanina ko pa talaga sinasabihan ang sarili ko na may nakalimutan ako.
"Wahh, Cloo! Nakalimutan ko!!" paiyak kong ani sa kanya.
Hindi ko na sinabay si Marian sa akin at pumasok ulit ako ng bahay para magpalit. Paano ba naman nakauniform ako eh sa foundation day ngayon sa school.
"Bakit ba kase nakalimutan mong foundation day ngayon, Cess?"
Pinaikutan ko ng mata si Cloe na kanina pa reklamo nang reklamo sa akin. Kanina pa 'to kuda nang kuda kase naghintay pa raw siya sa bahay sa pagbihis ko. Hindi naman kami late at wala namang klase, bakit ba siya hot-headed.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa school ground," sagot ni Cloe at hinila na lang ako.
Nagpahila naman ako at hinayaan siya. Kapwa third year highschool na kami ni Cloe, magkaibigan kami simula nang mga bata. Magkalapit kase ang mga Papa namin, magkaibigan din sila simula nang bata, at legacy ata nila 'yun. Magkalapit din ang bahay namin ni Cloe kaya sanay na sanay na ako sa kanya.
"Girl!! Look mo madaming gwapo!"
Napansin kong madaming tao ngayon sa school ground. Naalala kong may program pala at madaming taga-ibang school ang nasa school ngayon. Three days ang foundation day at ika-pangalawang araw pa lang ngayon.
"Ano ba meron ngayon, Clo?"
"Shhh, mag-uumpisa na ang concert."
Ginala ko ang mata at lahat ay nakaabang na nga sa stage. Ano bang concert ang meron. Sa naalala ko last year meron ding ganito at may dance contest, ngayon naman drums at mic ang nakikita ko sa ibabaw ng stage.
Hindi pa naman mainit ang sikat ng araw pero gusto kong lumabas at pumunta sa kwarto dahil sa ang siksikan at iyon ang nagdudulot ng init. Hindi naman ako interesado sa kung sinong tutugtog.
"Ces, panuorin mo! Tutogtog na sila ni Kairus!!" Tilian ang susunod kong narinig sa inikang iyon ni Cloe.
"Ang guwapo guwapo nila as in. Alam mo nakasalubong ko 'yan nang nakaraan tapos ang clearskin nila sa personal..." Tumango lang ako kay Cloe para ipakitang nakikinig ako sa kaniya kahit ang totoo ay wala talaga akong naiintindihan.
BINABASA MO ANG
In Between (Morales Girls#1)
Teen FictionThe last thing Cesia ever wanted was to be caught in a dilemma, forced to choose between two paths. But her uneventful school life takes an unexpected twist when she finds herself entangled between two captivating boys. Will the warmth of Hajio's so...